CHAPTER 12

4.2K 71 19
                                    

Napansin ni Sarah ang pagwo-walk out na iyon ni Gerald, ngunit kahit gusto niya itong sundan ay hindi niya magawa. Baka kasi may makahalata sa kanya.

Samantala... Litong naglakad si Gerald hanggang sa makarating siya sa dalampasigan. Malyo na ang narating niya sapagkat hindi niya na naririnig ang ingay ng videoke. Inis na napasipa siya sa buhanginan. Ano ba itong nararamdaman niya? Naguguluhan siya. Bakit para siyang naiinggit kina Sarah at John Lloyd? Kitang kita kasi ang kasiyahan ng mga ito, habang siya ay hindi sigurado kung masaya ba siya kay Megan. 

Habang tumatagal kasi ay narerealize ng binata that Megan isn't what he think she is. All she cares about is her career, and the publicity whenever they are together. Parang sinasadya talaga nito na ibalandra siya sa press. Pakiramdam din niya ay isa siya sa mga accesories nito. Ayaw na ayaw kasi nito ng hindi siya nakaporma. Ang gusto nito ay palagi siyang updated sa fashion. Kapag nagde-date din sila ay puro career nito ang pinaguusapan nila. They never talk about intimate stuffs.

Mabuti pa nung close na close pa sila ni Sarah, puro tawanan ang ginagawa nila. At kahit palagi silang nagaasaran ay hindi sila nagkakapikunan. He misses her so badly, at ang ikinasisintir ng loob niya ay hindi na siya gaanong makalapit dito sapagkat guwardiyado na ito ni John Lloyd. 

Nahiga na lamang muna siya sa buhanginan, ayaw niyang bumalik doon ng ganoon ang kanyang pakiramdam.

Lumalalim na ang gabi, tapos na din silang maghapunan ngunit hindi pa rin bumabalik si Gerald. Hinahanap na siya ng lahat ngunit walang makakita sa kanya.

"Nandiyan lang yun... baka nakahanap ng kainuman diyan sa tabi-tabi." ani Grendon.

"Yun na nga eh, baka mamaya mapagtripan yun, hindi naman natin kilala ang mga tao dito." nagaalalang tugon ni Luisa.

"Ma, im sure ok lang yun si Kuya nandiyan lang yun. Tara pumasok na tayo sa loob. Ate Megs, tara magpahinga na tayo." sinamahan na ni Myka si Megan na pumasok sa loob ng bahay.

"Oh kayo? hindi pa kayo papasok?' ani Nanay Letty kina Sarah.

"Papasok na po..' tugon ng dalaga. Sumunod siya sa ina habang nakasunod din sa kanya si John Lloyd.

"Papahinga ka na?" tanong ni John Lloyd sa dalaga ng nasa tapat na sila ng kwarto ng binata.

"Oo, ikaw din magpahinga ka na. Ang lalim na ng eyebags mo oh..' nakangiting wika ni Sarah.

"O sige i'll see you tomorrow.." malambing na anang binata.

"Okay.. goodnight!"

"Sweet dreams..." pahabol pa ng binata.

"Ok.." natatawang tugon ni Sarah.

Pagkapasok ni John Lloyd sa kwarto nito ay hindi tumuloy si Sarah sa kanilang silid. Papalabas na siya ngunit nakasalubong niya si Gara.

"Oh saan ka pupunta?" tanong nito.

"Ate Gara, hahanapin ko lang si Ge, baka kasi napano na yun eh." bulong ni Sarah dito.

ASHRALD FANFIC PRESENTS; KUNG AKO NA LANG SANATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon