First Move (oneshot)

659 23 6
                                    

dedicated kay kellene ... ^_____^

FIRST MOVE

written by: BrashHeart

Ilang araw naba? Hindi ko alam, hindi ko na pinapansin at ayoko nang pansinin. Haist ... idaan ko nalang sa buntong hininga ang lahat.

Napatingin ako sa paligid dahil don di ko maiwasang maisip sila Morena at Emil, mga bestfriends ko sila, bestfriends kaming tatlo. Ay mali pala, maabuting sabihin na bestfriends ko sila at bestfriend nila ko at magboyfriend na sila, gets?

Naupo muna ko sa bench, nandito kasi ako ngayon sa amusement park eh pero hindi toh kasing sosyal ng star city o enchanted kingdom ah, simpleng amusement park lang at hindi kilala pero alam nyo ito ang paboritong galaan naming tatlo.

Napatingin ulit ako sa paligid. Wala namang masyadong tao pero makikita mo na lahat sila masaya, karamihan pa ng nakikita ko puro magbo-boyfriend. Haist... kainis. Bakit ba kasi naisipan kong pumunta dito nang mag-isa?

Syempre Charlene, anong gusto mo maging sabit sa date nila Morena at Emil? Ako narin ang sumagot sa tanong ko. Bakit may iba pa bang sasagot? Haist.

Haist... amboring, makauwi nalang kaya. Tumayo na ko para umuwi na pero bigla kong napatigil.

"Waaaahhh....KUYA!!!! KUYA!!!! WAAAAAAHHH" iyak ng isang batang lalaki na naglulupasay sa sahig, siguro mga 5years old palang siya. Dahil walang pumansin sa kanya, ako nalang ang papansin tutal bored ako.

" ui..baby bakit?" sabi ko sabay upo pero hindi yung upo na nakasalampak sa sahig ah. Upo para maging kapantay ko yung bata na pinatayo kasi naglulupasay.

"kuya..... *sob* *sob* "

"bakit nawawala ka ba?" pinunasan ko gamit ng panyo ko ang luha nya

"HINDI AKO NAWAWALA SI KUYA YUNG NAWAWALA!! WAAAHHH KUYA WAAAAHHH!!" nataranta ulit ako kasi nagwala na naman sya pag-iyak.

" oh sige sige si kuya na ang nawawala. Don't cry na, hahanapin natin si kuya"

"t-talaga?" nag smile naman ako at nag-nod at sobrang napangiti din yung bata.

"Ate crush na kita hehehe..wag na natin hanapin si kuya" sabi niya sabay yakap pa sakin. Natawa naman ako sa sinabi nya. Syempre natawa lang, di pwedeng kiligin eh, child abuse.

"hehehe.. talaga? Ang cute mo naman, anong name mo?" sabi ko at tumayo na ko at hinawakan ang kamay niya.

"Agel po hehehe" ganadong sabi niya. ANG CUTE!!

"Ang cu----" bigla naputol yung sasabihin ko dahil sa lalaking sumigaw.

"AGEL!!! ANDITO KA LANG PALA!! LAGI KA NA LANG NAWAWALA!! KAYA AYOKONG SINASAMA KA EH!!" sabi nung guy at nabitawan ko naman si Agel kasi hinila siya nung guy tapos pinalupot nung guy yung braso nya sa leeg ni Agel at pinagbabatukan yung bata.

"A-ARRAAAYY!! HINDI AKO NAWAWALA!!!" sabi ni Agel habang pilit kumakawala dun sa guy. Gusto ko sanang tulungan si Agel kaso ang cute kasi nilang tingnan, nakakatuwa silang panuorin, sya na panigurado yung kuya ni Agel. Binitiwan na ng guy si Agel at agad namang tumakbo papunta sakin si Agel at niyakap ako.

"A-ah Hi. Siguro ikaw yung ginulo ni Agel habang nawawala sya. Sorry ah at salamat. Tara na Agel." sabi nung guy sabay hawak kay Agel sa braso pero lalong humigpit ang yakap sakin nung bata.

"ayokong sumama sayo. Kay ate ko gusto sumama" sabi nya na mangiyak-ngiyak pa.

"Tsk..isa Agel, mahiya ka kay ate"

"Ate..sayo ko sasama, ayoko si kuya" pacute na sabi ng bata kaya di ko mapigilang ngumiti.

" hehehe...sige wala rin naman akong gagawin eh." sabi ko.

First Move (oneshot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon