Chapter Fifteen
" Grade 7 Pink, hindi ako makakapasok sa inyo ngayong 3 pm, may kailangan kaming gawin for tomorrow's Event" sabi ko.
"Ayyy"
"Pangit naman"
Napa-irap ako. Mga bata talaga, nanghihinyang pa kahit ang totoo nasisiyahan. Ganiyan kaya kami dati.
"Pero may seat work kayo" sabi ko.
Pinuntahan ko talaga ang mga sections na hindi ko mapapasukan ngayong hapon at ibinilin ko sa mga Presidents ang mga seat work.
Now that I have done all the important things ay pupunta na ako sa Science Laboratory Room.
Tiningnan ko ang Wrist Watch ko at napagtantong 2:54 pm na pala. Vacant ako sa 2 pm class ko kaya nagawa kong sabihan ang ibang sections na hindi ako makakapasok.
Nang dumating ako sa Science Laboratory Room ay naabutan ko si Nico na naka-upo doon sa high chair at may sinusulat sa isang papel.
Tinulak ko ang pintuan para makapasok at agad namang na-divert ang tingin niya sa akin.
"Good afternoon" masayang bati ko.
"Hmm, Good afternoon" sabi niya. Hindi ko alam pero biglang bumilis nag tibok ng puso ko nang marinig iyon mula sa kaniya, at hindi lang iyon, kami lang dalawa dito.
"So should we start?" Tanong ko. Inilapag ko ang bag ko sa mesa. The table is long. Pang senior high students sana ito, pero binigyan kami para sa Laboratory at sa Library ng tig-isa.
Umupo ako sa tapat niya at tiningnan siya, only to find out na sinusundan na pala niya ang mga galaw ko. Natigilan ako pero nakabawi. Nag-taas ako ng dalawang kilay at binigyan siya ng -What- look.
Tumikhim siya. "So heto ang mga kailangang maging laman ng program na gagawin." Binigay niya sa akin iyon. Tiningnan ko naman.
Invocation
National Anthem
Hymn
....Napatango ako.
"How many programs are we making?
Tanong ko.
"100" sabi niya.
"Ang dami naman yata"
"For the teachers of Junior and Senior High and for some guests. Sa Junior high, ay 50 teachers, sa Senior naman ay 43, ang sobra ay para na sa mga special guests." Sabi niya. Napatango naman ako.
"So we'll make the design first?" Tanong ko.
Hindi suya umimik kaya tiningnan ko at nahuli ko siyang nakatitig sa akin.
"H-hoy" pag-agaw ko ng pansin sa kaniya.
Napapitlag naman siya.
"A-ahh sure"
Ang ginawa namin sa loob ng kalahating oras ay ang paggawa ng design o background sa program. Napagplanuhan naming violet, pink and blue ang magiging background color at mga flowers nito. Nag-print kami ng sample and it looked nice.
Ang Science Laboratory kasi ay malaking room kagaya ng Library. May mga shelves din ito kung saan nandun ang mga Equipments like Graduated Cylinders. Tripod stand, mga Microscopes at iba pang Science equipments.
May isang shelf na nagc-cut ng half sa room in diagonal way, may isa din na nakadikit sa end ng Shelf na yun na nagc-cut sa room in horizontal way, tas sa end na naman nun ay may isang shelf na nakadikit na nagc-cut sa room in diagonal way again. Sa likod nun ay may dalawang mesa na nakatago na may computer, printer, copier, at ibang mga kailangan like bondpapers and other things, kumbaga, parang office. Doon kami nagp-print at ginagawa naman namin ang mga finishing details and touch sa long table.
BINABASA MO ANG
Unforgotten Love [COMPLETED]
Roman d'amour"Maybe I'm not afraid to be a failure because of him. I'm afraid because I am falling inlove again." Georgina Helena Montero transfers at a public school from a private school and started teaching as a Science Teacher in Grade 7. Akala niya magiging...