PROLOGUE

3.1K 58 2
                                    

PROLOGUE

"NO! Niloko mo lang ako!" nagwawalang sabi ni Jane.

"Let me explain! Hindi kita niloko!" ani Dennis habang pinipigilan ang pagwawala ng kasintahan.

"Hindi niloko? Hah? Pwes, ano ang nakita ko kani-kanina lang?" Binabayo niya ang dibdib ni Dennis subalit nahawakan nito ang mga kamay niya. Kaya't hindi siya makagalaw. "How dare you! How dare you do this to me?"

"You don't understand! Please, honey. Hayaan mo naman akong magpaliwanag, oh?"

"No!" Muli siyang nagpumiglas.

Isang sampal anng dumapo sa pisngi nito nang makawala ang isang kamay niya.

Kanina lang ay kitang-kita nang dalawang mata niya kung paano maghalikan ang nobyo at ang sekretarya niya sa loob ng kanyang opisina. Sino'ng may utak ang hindi mag-iisip ng masama at sino'ng manhid ang hindi makararamdam ng sakit kapag nakita iyon? Daig pa niya sinaksak ng ilang beses.

Natigilan ito sa ginawa niya. Sinamantala niya naman iyon para makalabas sa sariling kotse. Sinundan siya nito doon matapos siyang tumakbo nang  mahuli itong nakikipaghalikan sa iba.

Umiiyak na tumakbo siya palayo doon.

"Jane, wait! She seduced me. Please, maniwala ka naman!" habol ni Dennis sa kanya.

"Sino'ng tanga ang maniniwala sa'yo?" sigaw niya dito.

"Jane!"

Binilisan niya pa ang takbo. Dennis was her boyfriend for three years. They just planned their wedding. Pero kapag nakatalikod pala siya ay may kababalaghan itong ginagawa. At sa sekretarya niya pa, ha?

Patuloy na umaagos ang luha niya habang tumatakbo. Napakasakit! Pinagkatiwalaan niya ito. Sobra-sobra pa nga pero nagawa pa rin nitong lokohin siya. Pinanghawakan niya ang sinabing mahal siya nito at naniwala dito. Pero nagawa nitong pagtaksilan siya. Paano na ang mga pangarap nila? Ang pangarap niya?

Pinalalabo na ng luha ang mga mata niya. Hindi na niya alam kung saan siya nasuot at wala na rin naman siyang pakialam sa paligid. She just wanted to run. Nagbabakasakaling sa pamamagitan ng pagtakbo ay mabawasan ang sakit na nararamdaman niya.

Hindi na niya alam ang nangyayari sa paligid. Naulinigan na lamang niya ang malakas na pagbusina sa kanyang likuran. Napaharap siya doon at nanlaki ang mga mata niya nang makita ang isang mabilis na puting kotseng paparating. Tila ba kahit nakita siya nito ay wala itong balak na magpreno. Talagang papatayin siya nito!

Gusto niyang tumakbo at iwasan ang kotse. Kailangan niya iyong iwasan. Pero hindi niya magawa! Tila naparalisa ang mga binti niya at itinulos siya sa kinatatayuan.

Hanggang sa maramdaman niya ang matigas na metal na iyon na bumangga sa kanyang katawan. Dahil sa bilis niyon ay tumilapon siya sa gilid ng kalsada. Ramdam niya ang pananakit at hapdi ng katawan. Hindi siya makagalaw at unti-unting nagdidilim sa kanya ang lahat. Nakita niya pa ang sariling dugo sa tapat ng mukha at ang papalayong kotse.

"Jane!!!" ang sigaw ni Dennis ang huling narinig niya bago tuluyang lamunin ng karimlan ang kanyang kamalayan...

MY DILEMMA By Syana JaneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon