Chapter 13: Boyfriend
Nung hapong iyon ay tumila ang malakas na ulan. May mga maliliit na patak ito pero hindi ka na masyadong mababasa.
Nung hapon ding iyon ay bumisita si kuya sa bahay. I was shocked. Nakasuot pa siya ng raincoat.
"Oh Gavin, napadalaw ka? Umuulan pa naman" sabi ni mommy.
"Hi Kuys" ngumiti siya sa akin at hinubad ang raincoat niya. Hinalikan niya si mommy sa cheeks pagkatapos ay nag-up here sa akin.
"Pumunta ako rito para kay George" sabi niya. Napaturo naman ako sa sarili ko.
"Ako?"
"Yep" may hinagis siya sa akin. Nataranta ako kaya parang jagger ako ngayon para masalo lang iyong bagay na iyon at nang masalo ko ay napagtanto kong isa itong susi.
Kumunot ang noo ko.
"What is this for kuya?" Tanong ko. He chuckled. Nagkibi't balikat siya at hinatak ako papunta sa labas ng bahay.
"Hinay-hinay naman Gab" galit na sabi ko.
Dinala niya ako sa garahe namin kung saan nakapark ang dalawang kotse at isang motor. Pero nang dumating ako doon ay dalawang motor ang nakita ko. Yung isa alam kong kay kuya, iyong hiniram ko. At ang isa ay bago.
Naluluhang bumaling ako sa kaniya.
"Don't be emotional, para kay Stella iyan. Pinapakita ko lang sa iyo para malaman ko kung okay lang ba" sabi niya. Sumimangot naman ako. Akala ko akin yun. Masyado akong umasa, ayan tuloy nasaktan na naman. Tatalikod na sana ako pero bigla niya akong tinawag.
"Hey wait!" Hinarap ko siya na nakasimangot.
"Ano na naman?!"galit na tanong ko. "Okay na ang motor na iyan, maganda ang kulay Magenta, maganda siya dahil pangbabae, safe para kay ate Stella at siguradong magugustuhan niya ito. Ano pa?!"
Bigla siyang tumawa. Ughh I hate him.
"Okay okay, I quit. Hindi ko kayang hindi tumawa" kumunot naman ang noo ko.
" Sayo talaga yan, biro lang yun" nagatawang sabi niya."Tse, paasa!" Sabi ko.
"Hindi talaga, sa iyo talaga ito" sabi niya.
"Hmp"
"Oh, ayaw mo pala edi huwag, kay Stella nalang ito" sabi niya at akmang aangkas na pero agad kong pinigilan.
"Ehhh, huwag, okay, akin na ito" hinila ko siya at nakitang natatawa.
"Ano?Binigyan mo ng motor si George, Gab?" Tanong ni mommy na kakalabas lang.
"Yes mom"
"Bakit mo pala naisipang bilhan ako nito kuya?" Tanong ko.
Nagkibi't balikat siya.
"Ayaw ko namang masira ang motor ko kaya binilhan na kita nag sayo" sumimangot ako.
"Are you saying na sisirain ko ang motor mo, na hindi ako marunong mag-handle ng mga bagay na kagaya nito?!"
"Hahaha, joke lang. Heto naman highblood agad. Binilhan talaga kita kasi, iyang scooter ko ay hindi nababagay sayo, mas bagay itong MIO sayo" sabi niya at hinaplos ang motor.
"Oh, sweet naman ni kuya Gab" namula naman si kuya sa sinabi ni mommy. Ngayong may sarili na siyang pamilya ay hindi na siya sanay na tawaging ganun.
"Eehhh, thank you kuya" agad ko siyang niyakap. Na- out of balance pa siya nung una, pero agad din namang nakabawi at niyakap ako pabalik. He chuckled.
BINABASA MO ANG
Unforgotten Love [COMPLETED]
Romance"Maybe I'm not afraid to be a failure because of him. I'm afraid because I am falling inlove again." Georgina Helena Montero transfers at a public school from a private school and started teaching as a Science Teacher in Grade 7. Akala niya magiging...