Chapter Fourteen

31 3 1
                                    

Chapter Fourteen

Nung pumasok ako sa faculty ay nandun na si Nico sa table niya at si Mr. Gomez na may chine-check na papers.

"Goodmorning teachers!" Bati ko na nakangiti. Inilapag ko sa mesa ko ang bag at umupo na.

Napatingin naman ako sa katapat ko na ngayon ay matalim ang mga titig sa akin.

"Goodmorning miss George" bati sa akin ni Mr.Gomez.

Tinaasan ko naman ng kilay ang nasa tapat ko. Hindi ko nakakalimutan ang sinabi niya sa akin kanina.

Nang magtagal ang titig niya ay napabitaw nalang ako. My heart is beating fast. Kailangan kong bumitaw dahil baka malaman niya ang totoong nararamdaman ko.

"Goodmorning teachers" nag-angat naman ako ng tingin sa SSG Adviser.

"Morning maam" ngumiti ako sa kaniya.

"Morning maam" sabay na sabi nina Mr.Gomez at Nico.

"May bagong motor sa labas, kanino yun?" Tanong niya.

"Ahh, sa akin po" sabi ko. Kinuha ko ang ballpen ko at nagsimulang mag check ng mga papers. Kung hindi ko kasi iyon gagawin ay matatameme ako sa mga titig ni Nico sa akin.

"Oh, nasan na iyong unang motor mo?" Tanong naman ni Mr.Gomez.

"Ahh hindi ko na po gagamitin, binilhan na po kasi ako ni-----"

"Binilhan siya ng boyfriend niya" sabi ni Nico. Nanlaki naman ang mata ko sa kaniya. I was shocked. A part of me was shocked but a part of me was actually liking it. Parang nagseselos siya. Well dream on George. Nandiyan si Irene.

"Oh, may boyfriend ka na pala Miss George?" Gulat na tanong ng SSG Adviser.

"Ano ka ba naman maam, sa ganda ni Miss George, walang boyfriend. Or kahit manliligaw. Siguro gwapo at professional iyan" sabi ni Mr.Gomez. nagpeke ako ng ngiti. Wala akong naging boyfriend except sa mokong na ito.

"Hindi naman po" sabi ko. Tiningnan ko si Nico at ngayon ay hindi na siya nakatingin sa akin kung hindi ay sa cellphone niya. Nakakunot ang noo. Si Irene kaya ang ka-text niya?

Bago pa ako makapag-isip ulit ay tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko kaagad ito sa bag. I am excited, nagbabakasakaling ako ang tinetext ni Nico. Ughh, hindi ko talaga tanggap na nagkakaganito ako.

Nang tiningnan ko ay may isang message nga pero nang buksan ko ay hindi pala siya.

From:Kuya

Kamusta naman ang pag-drive mo Georgina, I bet nasa school ka na

Huminga ako ng malalim. Why am I hoping too much. Bakit ba umasa ako?

Me:

Yep

Inilapag ko ang cellphone ko sa mesa at nagbalik nalang sa pagch-check ulit. Ayaw kong tumingin sa tapat ko. Aasa na naman ako.

Dumating na ang iba pang mga teachers pero wala parin sina Gryka at Zyris. Sila lang sana ang gusto kong maka-usap.

Maya maya lang ay biglang tumunog ang cellphone ko. Someone is calling me. Nang tiningnan ko ang pangalan at si Kuya iyon. Agad ko itong sinagot at tumayo para lumabas.

"Hello?"

"Hehey George!" Masayang bati nito.

"Bakit ka napatawag?" Tanong ko.

"Oh, bakit di na ba pwedeng kamustahin ang pag-drive ng bunso ko sa kaniyang bagong motor?" May panghihinayang sa boses niya pero alam kong peke iyon.

Unforgotten Love [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon