Niña
Habang nasa gitna kami ng kuwentuhan ay kinailangan kong mag CR kaya nagpaalam muna ako kila Mama
"Ma, CR lang po muna ako"
"Sige anak"
Nag CR lang ako saglit at paglabas ko ay nagulat ako dahil may nakabungo ako. Lumingon ito saakin at laking gulat ko ng makita ko kung sino ito
"Ni-Niña?!?"
"Charles?!?"
Mag sosorry na sana ako kaso naunahan niya ako "Uyy sorry ha!"
"Ano ka ba ok lang noh! Sorry din. Oo nga pala anong ginagawa mo dito?"
"Ahh bumili lang ako ng food for take out. Ikaw anong ginagawa mo dito tsaka sinong kasama mo?"
"Uhmm kasama ko yung family ko, may family dinner lang tapos konting bonding na din"
"Ahh ganun ba, o sige sige mauna na ako at bumalik ka na sakanila para masulit mo yung oras mo kasama sila"
Nagpaalam na siya pero tinawag ko muli siy dahil may sasabihin sana ako
"Ayyyy wait lang Charles"
lumingon ito bago nagsalita "Yess"
"Uhmm gusto ko lang sanang mag pasalamat sayo sa lahat ng tulong mo saakin kanina! thank you for making my first fashion show a memorable one, I had fun being your partner. Ingat ka pauuwi"
"Wala yun, I'm glad to know that I was able to help you. I also had fun especially since I was with you. Ingat din sayo at sa family mo, enjoy being with them. It was nice seeing you again Niña, Bye!"
Nagbeso kaming dalawa pagkatapos ay umalis na siya habang ako'y bumalik na sa table namin ng family ko
Pagkabalik ko ay sinalubong ako Mama ng isang tanong "Nak, nakita namin yun. Sino nga pala yung kausap mo dun kanina?"
"Uhmm si Charles po yun Ma, na-" naputol naman yung sasabihin ko dahil sumabat na si Ate
"Naging kapartner niya kanina yun Ma, sobrang gwapo diba!"
"Ateeeee!!" sinubukan kong pigilan si Ate kaso di umubra
"Totoo naman kasi, kaya lang mag iingat ka sakanya Niña kasi ang alam ko di nagseseryoso ng mga babae yan. Mabait naman yan kaya lang chick boy daw"
"Si Ate talaga, kanina pa nang aasar. Kung magsalita parang ang advance mag isip, magkaibigan lang kami ni Charles tsaka kakakilala pa lang namin kanina"
"Eh malay mo dun din hahantong yun. May spark naman kayo eh, sobrang bagay niyo kanina. Kinikilig kaya ako habang pinapanood kayo" tuwang tuwa na sabi ni Ate Chelsea
"Teka nga Chelsea, bat naman parang kilalang kilala mo tong si Charles" sabat naman ni Kuya Jake
"Eh kasi Kuya Jake, matagal ng model ng agency nami si Charles"
"Paano mo naman nasabi na chick boy siya Ate?" tanong naman ni Kuya Ethan
"Nabalitaan ko lang sa mga katrabaho ko. May nangyari daw sa past niya kaya naging ganun na lang siya sa mga babae"
"Ateeee, stop na! Hindi naman ata magandang pinaguusapan natin yung tao at yung buhay niya ng hindi niya alam lalo na't dito pa sa isang public na lugar"