Rizal Simbolo ng Kabayanihan

235 0 0
                                    

“Rizal Simbolo ng Kabayanihan”

Ni Elizabeth Rivera

Pepe o larawan ka ng kabayanihan

Kung saan ikaw ay naging sandigan.

Ng ating pinakamamahal ng Inang Bayan

Dahil sa pinamalas mong katalinuhan.

Mula pa noong kabataan

May malasakit na sa bayan.

Kaya dapat nating parisan

Taglay niyang kabutihan.

Naghirap sa kamay ng mga dayuhan

Dahil sa makamandag niyang isipan.

Na siyang gumising sa ating kamalayan.

Kung sakaling tayo ay kaniyang masaniban

Ng kanyang taglay na mga katangian

Siguradong uunlad ang ating bayan

Dahil dito ang magsisilbing kayamanan.

Ito ang kailangan ng ating Inang Bayan

Ang tunay na pagmamahal sa sariling bayan.

Kung saan may pagmamalasakit sa kababayan

Upang lahat tayo ’y maabot ang kasaganahan.

Rizal simbolo ng kabayanihan

Bakit di natin tularan kaniyang katangian.

Na puro pagmamalasakit sa ating bayan

Na naging dahilan ng ating kalayaan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 05, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Rizal Simbolo ng KabayanihanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon