William Dela Vega
Bago pa man din ako makapasok sa loob ng apartment na pagmamay-ari ni papa ay may narinig na akong putok ng baril mula sa labas, at sigurado ako na dito nangagaling ang malakas na tunog na iyon, wala namang katao-tao sa sala noong pumasok na ako, mga nagkalat na gamit lang at mga bote na may lamang alak, at hindi ako nagkakamali dahil ang mga shorts at damit na naririto sa loob ay sa kapatid ko, tinawag ko ng ilang beses ang pangalan ni Cristine pero wala akong marinig na tugon mula sa kanya, nakita ko ang hagdan patungo sa ikalawang palapag ng maliit na apartment na ito, at nagaatubiling inakyat ang ikalawang palapag patungo sa maaaring kinaroroonan ni Cristine.
Bukas ang pintuan ng kuwarto, pero hindi na ako nagalinlangan pang pumasok ng makita ko doon si Migz ,namumula sa galit pero masayang nakatingin sa biglaan kong pagdating.
Hindi ko pa lubusang nakikita ang kabuuan ng kuwarto pero hindi ako inosente para masamang may hawak siyang baril at may tinututukan siya nito.
"Come in... Feel at home !" masigla ang ginawang pagbati niya, kahit na ang totoo ay impyerno ang papasukin ko sa ginawa niyang pagimbita sa loob.
"William.../ Cristine ..."
para na rin akong maiiyak ng makita ko ang sitwasiyon ngayon ng asawa ko, dumudugo ang kaliwang balikat niya at nakaposas pa ang kamay...
Habang si Migz naman ay tinututukan ito ng baril.
Kinuha nito ang isa pang kalibre ng baril sa likuran at saka itinutok sa akin, sa ginawa kong pagsugod dito ay talagang wala akong magiging laban, sarili ko lang ang dala ko. At wala ni anumang armas na kayang pumrotekta sa magina ko.
"Ngayon mamili ka kung sino sa inyong dalawa ang uunahin kong patayin??"
anumang oras mula ngayon alam kong papatayin talaga kami pareho ng halimaw na nasa harapan namin ngayon.
"Bago mo kami patayin, Ikaw muna ang uunahin ko! " sinipa ko ang baril na nakatutuok sa akin palayo, gamit ang paa ko.
Nabitawan ito ni migz, kayat ang baril na kanina kay cristine ay sa akin na ngayon nakaturo. Pupulutin ko sana ang baril na nalaglag ni migz pero masyado itong malayo sa gawi ko.
"Bago mo pa mapulot at makuha ang baril na yan may bala na, na nakabaon diyan sa ulo mo. O kaya dito diderekta sa ulo ng babaeng pinag-aagawan natin noon"
humarap na lamang ako sa kanya habang nakataas ang parehong kamay sa tapat ng balikat ko. Tiningnan ni migz ang relo niya sa kamay at saka nagsalita na diretso ang tingin sa akin...
"To make the show more exciting, I'll be giving you the final 10 seconds of your life, to spare a last glimpse with this lovely wife of yours "...
Tiningnan ko si Cristine sa huling pagkakataon, gusto kong pahidan ang mga luha niya pero wala na akong magawa pa...
"10.....9.....8.....7.....6.....5.....4....3....2.....anddd time is up... " ipinikit ko na ng kusa ang mga mata ko, pero muli ko itong minulat dahil sa boses na naririnig namin sa kuwarto.
Sinamantala ko na ang pagdating nila papa para agawin sa kapatid ko ang baril na hawak niya, samantalang sila mama at Papa naman ay tinulungan si Cristine na tanggalin ang pagkakalock ng posas sa kamay niya.
Kinuha ni papa ang susi mula sa bulsa ng pantalon ni Migz, na nakalagay sa lapag,
Ako naman ay pilit na nakikipagbuno sa kapatid ko upang maagaw ang baril.
Pero nagkaroon siya ng pagkakataon na maitulak ako, kaya si papa ang pumigil kay kuya , inagaw niya ito ngunit maging siya man ay nakaya nitong itulak at barilin sa binti upang hindi na makapanglaban. Hinanap ko ang baril na kanina ay nalaglag niya, nakita kong nasa paanan niya ito at hindi pa man din nadidikit sa palad ko ang baril na iyon, ay tatlong sunod-sunod na putok ng baril ang pinakawalan ni migz sa direksiyon ni Cristine. Agad ko siyang pinuntahan, tanggal na rin ang mga posas sa kamay niya.
She desperately look at me asking for a help.
She raised her hand a little and blood was dripping on it. But base from what I'm witnessing it's my mother whose in need and practically can't breathe. Silent plead was heard, followed by a loudburst that conquer the entire place.
BINABASA MO ANG
Her Greatest Nightmare
RomanceIt's a story of undying love and the sufferings brought by love itself.