Chapter 33

52 2 0
                                    

Cristine Dela Vega

Pilit akong kumakawala sa bisig ng taong nagtatakip sa'king bibig.  Wala gaanong tao ang nagdaraan sa eskinitang ito, dahil magagabi na rin, madilim na ang paligid at habang paunti na ng paunti ang tao ay ganoon din nababawasan ang pag-asa ko na makalayo at makatakas. Hanggang sa unti unti-unti ko na ring maramdaman ang pagkahilo at pagdilim ng paligid ko dahil sa sama ng amoy ng panyong pilit na itinatakip sa ilong at bibig ko... Minulat ko ang mata ko at isang malademonyong mukha ni migz ang siyang bumungad sa paggising ko...

......

William Dela Vega

"Cristine" she is having a nightmare... Punong-puno rin ng pawis ang noo niya...
"Cristine... " I called her but a bit louder this time... Inulit ko pa ang pagtawag sa ngalan niya at mahigpit na hinawakan at pinagsiklop ang mga kamay naming dalawa. Nagising siya ng umiiyak kaya't ang tangi ko na lamang nagawa ay ang hagkan siya....
"Shhhh.... Nandito lang ako.. You are safe now" ito na lang ang sinabi ko sa kanya upang pawiin ang pagiyak niya. At ang trauma na naranasan ni cristine nang nagdaang araw . Dahil bagama't natatakpan ng luha ang mata niya ay kita ko pa rin doon ang takot at pangamba.
"Sorry... Kung hindi dahil.. Sakin---"
"don't say sorry... Wala kang kasalanan... Biktima ka lang rin sa nangyari... " ayokong isipin ni cristine na sinisisi ko siya at mayroon siyang kasalanan.  Kaya upang matapos na ang diskusiyon ay pinutol ko na ang paguusap na iyon. At sinundan ko ng tingin ang kabilang bahagi ng kuwarto.... Ang direksiyon kung saan makikita ang natutulog na imahe ng papa ko.  Kakagaling lang din ni papa sa operasiyon,  at matagumpay naman na natanggal ang bala ng baril na tumama sa katawan nila ni cristine.
Masuyong hinaplos ni cristine ang kamay ko... At sa mga haplos na iyon ay alam kong maging siya man ay nararamdaman ang pagdadalamhati ko.  Sa isiping iyon nagsimulang tumulo ang mga luha kong kanina ko pa pilit na pinipigilan,  mula sa umpisa pa lamang ng paghingi ng tawad ni cristine...  Upang maitago ang sakit at pighating nararamdaman ko.
" I've lost someone again... " Nakayuko lamang ako habang nagpipigil ng iyak at naghahanap ng tamang katwiran upang masabi ang nararamdaman ko...
"Nagsisimula na akong magbago at itama yung mga mali ko.  But, why is that everytime I'm trying to correct the situation. That's the exact moment where I would encounter this kind of shit... Pinatay ng sarili kong kapatid ang mama namin.... Wala na siya... And that fucking hurts.. "
Matapos mabaril ni Kuya migz si mama, halos manlumo ito sa krimeng ginawa niya.  Dahil sa aming dalawa siya ang lubos na napalapit sa nanay namin at si mama lang ang bukod tanging nakakapagpaamo sa kanya. Wala ng nagawa si kuya kundi ang umiyak, at pagsisihan ang nagawa niya.  Ayon sa autopsy na isinagawa ay tumagos ang bala ng baril sa puso ni mama at sa mismong harap namin ni cristine, ni papa at kuya migz binawian siya ng buhay.
Samantalang si kuya naman ay lakas loob na binaril ang sarili. Sinubukan pa siya ni papa na pigilin, pero huli na ang lahat para pigilin pa. Dinala pa namin siya sa hospital ngunit kaagad ring bumigay ang katawan niya.  Ngayong kami na lamang ni papa ang natitira,  hindi ko maiwasang malungkot dahil nawalan ako ng ina at kapatid.  Si mama ay napatawad ko na... At si kuya migz,  umaasa akong maghihilom din ang sugat na iniwan niya sa aming lahat.

Her Greatest NightmareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon