Chapter 42

875 37 6
                                    

Irish's POV

Pagkauwi ko sa bahay ay nagtaka ako nang makita ang isang pulang kotse na nakapark sa tapat ng bahay namin. Hindi ko alam kung kanino yun dahil ngayon ko lang iyon nakita.

Dali-dali akong bumaba ng taxi at pagkapasok ko sa bahay ay nadatnan ko ang isang lalaking nasa sala habang kausap ang lola ko.

Napatigil sila sa pag-uusap at napatingin sa gawi ko. Nakita ko ang bahagyang pag ngisi ng lalaki nang makita ako. It seems like natutuwa siyang makita ako.

Naglakad siya papalapit sa akin habang ako naman ay nanatiling nakatulala sa mukha niya.

"Hey, miss me?" Nakangisi niyang tanong.

Nalaglag naman ang panga ko nang maconfirm na siya nga talaga ang nakikita ko at hindi ako nananaginip.

"J-Joaquin?" Hindi ko makapaniwalang tanong.

"Yep. The handsome, Joaquin Ynares." Ngumiti siya at bahagya pang nag bow sa harap ko.

Hindi ko akalaing makikita ko ulit siya dito sa Pilipinas! Ang alam ko ay nasa Australia na siya ngayon nakatira!

"Anong ginagawa mo dito!?" Gulat kong tanong.

He smirked. "Wow, Irish. Can you just atleast pretend that you're happy to see me?" Sarkastiko niyang sabi at nag crossed arms.

Napakurap kurap naman ako nang marinig ang sinabi niya. "I-Ikaw ba talaga si Joaquin!?"

Bakit parang loko-loko ang isang 'to? Malayong malayo sa nakilala kong Joaquin dati! Yung Joaquin na president ng Student Council, yung kilalang seryoso, yung nakakaintimidate!

"I know na magugulat ka. Pero yeah, ako 'to. People change, just so you know." He shrugged.

"N-Nakauwi ka na galing Australia?"

"As you can see."

Napaismid naman ako. Nagbago na nga talaga siya!

"Eh, ano namang ginagawa mo dito?" Taka kong tanong.

"Well, nandito lang naman ako para i-check yung babaeng natumba sa daan kagabi dulot ng kalasingan."

Nanlaki ang mata ko nang marinig ang sinabi niya.

"I-Ikaw yung naghatid sa akin kagabi?"

Tumango naman siya at proud na ngumiti.

Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng konting lungkot. Aaminin ko na umaasa akong si Ricci yung bumuhat at naghatid sa akin kagabi. Iba kasi talaga ang pakiramdam ko sa lalaking iyon kahit na blurred ang mukha niya sa paningin ko.

Yung pakiramdam na kay Ricci ko lang nararamdaman.

Napapikit nalang ako at kinalimutan kung ano ang mga pinag-iisip ko. Muli akong tumingin kay Joaquin na nakangiti sa akin.

"Wala manlang thanks diyan?" Maloko niyang sabi.

I rolled my eyes at him. "Thanks." Natawa siya kaya natawa na rin ako.

Nakaramdam naman ulit ako ng guilt dahil sa favor na hiningi ko sakanya noon. Hindi ko naisip ang mararamdaman niya. Porket close ko siya noon at alam kong papayag siya ay sakanya pa ako humingi ng tulong.

"Joaquin." Tawag ko sakanya.

"Mmm?" Tugon niya habang busy sa pagkain ng leche flan. Nandito kami sa sala at nag-uusap.

Leche flan? Ricci's favorite. Damn.

Lahat nalang ba talaga ng bagay na makita ko si Ricci maaalala ko? Umiling-iling ako at binura sa isip ko iyon.

You're Still The One || Ricci RiveroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon