Kabanata 1

156 20 4
                                    

Nandito ako ngayon sa lamay ng isa naming kakilala. Tinablan ng bala ang gago kahit punong-puno ng bato ang ulo. Napasobra kasi sa kakahit-hit kaya hindi agad nakatakas sa mga pulis nong nagkahulihan na. Hindi kaagad nakapag isip dahil bangag! Natakot na habangbuhay makukulong, nanlaban kaya namatay.

Nalagasan man ng miyembro ang organisasyon pero tuloy parin ang abutan. Hindi ang banta ni Pangulong Dagong, ang pinalawig na oplan double barrel, o ang paubos na miyembro ang magpapahinto sa aming operasyon. Pinatigas na ng bato ang aming pagkatao kaya ang pagkaduwag ay wala na. Tinakasan na kami ng salitang iyon.

Pabor para sa aming mga natitirang tigaabot o binibilhan ng droga ang mga nangyayaring patayan. Kumukonti nalang kasi yung mga taong susuhulan ng leader ng ORGANISASYON, ibig sabihin, yung pera para sana sa kanila ay mapupunta sa amin mga buhay pa. Madalian nalang ang pera. Kaya lang, dapat todo kayod kami para maabot ang qoata dahil kulang kami sa tao. Hindi ko naman hinihiling na malagasan kami ng mga tauhan pero yung mga namamatay sila yung abusado. Mga walang kontrol. Tinitira ang sariling paninda, ang  kanilang hanapbuhay. Mahirap na nga at delikado ang piniling kabuhayan, ikaw at ikaw din pala ang titira sa mga batong sana iba ang makikinabang. Para sa akin at ilang kakilala, nasa katinuan pa kami upang wag gayahin ang mga naunang pumanaw na mga miyembro.

Mahirap na nga ang buhay, mas pinahirap pa ito ng pagkakataon. Ulilang lubos. Nagtatanong at hinahanap ang sagot sa napakaimposibling katanungan na binubuo ng aking isip, kung sino ang aking mga magulang. Bata palang pinagkaitan na ako ng mga yakap at halik ng isang amat ina. Sarili ko lang ang nag-aalaga sa akin hanggang ngayon. Galing sa ilegal na gamot ang mumunting perang nahihingi ko mula pagkabata hanggang sa naging ganap na tulak ng ilegal na droga.
Hindi ko ginusto na gawin ang ikinabubuhay ko ngayon. Ang maging parte sa pagkasira ng kinabukasan ng mga kabataan. Mahirap, pero ipinapangako ko na balang araw, lilisanin ko ang nakagawian.

"Pwede kabang makantot mamaya Paige?" napangiwi ako ng konti dahil sa alok ng aking isang customer slash kaibigan na si Santo. Naabot ko na sa kanya yong shabu pero hindi pa niya inaabot sa akin ang bayad. Gusto pa siguro ng maliit na kamustahan. Bagot ko siyang tinignan, na parang sinasabi na hindi pa nga niya sinimulang hithitin yong shabu pero sabog na siya dahil sa kanyang tinuran. Olol! Posible pa siguro yong susurrender ako sa mga pulis kesa ang mag pakantot sa kanya. Gwapo naman si Santo, masarap, mayaman, yong papangarapin mong kakantot sayo, madami nga dito sa amin ang naglalaway sa kanya at pinadaanan na ng kanyang burat pero ako hindi pa. Oo bakla ako at natatakam naman kahit papaano kay Santo pero hindi ko na kikita ang sarili na magpapatira sa kanya. Siguro kapag gipit na talaga at kailangan ng pera na hindi mangyayari sa sobrang sipag ko at hinubog na ng lansangan pagdating sa diskarte. Handa siyang maglabas ng pera para mag sex kaming dalawa, patay na patay sa akin ang gago. Salamat at malakas ang bintahan at mag isa nalang ako sa buhay dahil kung may pamilya pa ako at kami ay naghirap, baka ikinasal na ako sakanya.

Hindi ko na hinintay na iabot sa aking ng gago kong customer na si Santo ang kanyang bayad dahil kinuha ko ng mabilisan sa kanya yong pera na nakaipit sa gitna sa may bandang pusod. Nakasimangot si Santo habang iwinawagayway ko sa kanyang harapan ang pera. Ang cute niyang tingnan ngayon, 19 palang itong si Santo habang ako ay 22, bata pa pero sobrang libog.  Hindi ko alam kung anong nakita niya sa akin at handa niya daw akong ibahay at siya raw ay magbabago, kaming dalawa. Na kapag papatuluyin ko siya dito sa puso ko, ilalayo na niya ako sa ganitong buhay. Bilib ako jan, 18 pa siya non ng sinabi niya yong mga plano niya sa aming dalawa.

"Payag kana please." parang batang sabi ni Santo.

"Mainit ulo ni bossing ngayon Santo kaya kailangan namin makarami. Nabalitaan mo naman siguro yung bagong ni raid ng mga pulis na cooking station, milyon din ang mawawala kay boss dahil don kaya kailangan punuan namin ngayon yung mawawalang pera sa kanya." hinabaan ko ng konti yong paliwanag para mas maintindihan nitong isa. Eh sa gusto ako nitong makantot kaya mahabaang paliwanag na ang bottom line lang naman na "ayaw" ang gustong ipunto.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 11 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Drowning in HimWhere stories live. Discover now