Nasaan ang Kabataan?
Iyo bang naalala ang mga nakayapak na nga bata,
Na nagtatakbuhan sa daan at hihinto para lamang magmano sa matatanda,
Mga batang nagsisiunahang magsibabaan sa hagdan,
Upang maghanap ng pagtataguan.
Mga batang nasisilundagan,
Sa chinese garter habang iniiwasan ang lubid na bawal apakan.
Mga batang malayang naghahabulan,
Parang mga asong nakatali na pinakawalan.
Mga batang nagsisilanguyan sa ilog ng walang sawa,
Ilog na dating kaylinis pa ng lawa.
Mga batang naalala nating tayo,
Ngayon wala na dahil sa teknolohiyang makabago.
Mga batang dati'y sa labas ay nagtatakbuhan,
Ngayon parang mga asong nagkukulong sa kanilang tahanan.
Dahil sa isang gamit na hugis parihaba,
Ang sitwasyon ng kabataan ngayon ay palala ng palala.
NASAAN ANG KABATAAN?Mga bata ngayon na imbis na gatas ang iniinom,
Makikita mo na lamang sa daan na sa alak nakatuon.
Mga kabataan ngayon na imbis Diyos ang pag usapan,
Lulong sa mga usaping sekswal na di pa dapat nila nalaman.
Mga kabataan ngayon na imbis na libro ang binabasa,
Mga babasahing malalaswa pa ang inaalala.
Mga kabataan ngayon na imbis na inaalagaan ang kapatid nilang sanggol,
Sila na mismo ngayon ang gumagawa ng sarili nilang sanggol.
Mga kabataan ngayon na imbis umiinom ng gamot pampalakas,
Droga ang hinihithit na sa kanilang utak nagpapataas.
NASAAN ANG KABATAAN?Mga kabataang pilipino na dati nating nababasa sa mga istorya,
O mga kwento ng kabataan ng ating ama pag umaga.
Mga kabataang dati'y sinusulit lang ang kanilang kabataan,
Ngayon gustong-gusto nang maghanap ng kasintahan.
"Ang kabataan ang pag asa ng bayan" Ani ng ating pambansang bayani,
Ngunit sa paraan ba na ito natin dapat gamitin ang kalayaan na tayo'y nagmamay-ari?
NASAAN ANG KABATAAN?
BINABASA MO ANG
Nasaan Na Ang Kabataan? (Spoken Word)
PoetryWanna know the problems of our youth? lets find it out. Spoken Poetry by JEMR