Prologue

2 0 0
                                    


"I have a new mission for Gamma Team." Said the Boss with full of authority. Kababalik lang ng aming team mula sa isang maaksiyong mission and yet here we are. Nakikipagpulong na naman para sa panibago.

"I'll send you off to Ethiopia tomorrow. Don't let anyone fly within the teritory." We may be hiding in our little island, pero hindi kami illegal. Just for our safety since us, the United Nation's Defense Team, are on the hot seat these days. Mainit ang dugo ng iilang mga bansa sa amin dahil sa pangingialam sa mga giyera. Well... Para saan pa't naging peace keepers kami kung panonoorin lang namin lahat ng giyera ano po?

"Dismissed." He commanded.

"Woohh! Kala ko makakatulog na ko ng maayos," Reklamo ni Richter nang makabalik kami sa cabin ng Gamma. Halos lahat kami pagod na pero kailangang magligpit. Hindi pa nga kami nakakapag-unpack masyado tapos aalis ulit kami.

"Wag kayong mag-alala. Magpapaparty talaga ako pagkatapos nito. Tapos maglileave ako." May bahid din ng iritasyon sa boses ko. Maski ako din naman kasi naiinis. Sana pinapahinga man lang kami saglit. Tatlong magkakasunod na giyera yung pinanggalingan namin tapos isasalang na naman kami ulit.

"Tss hirap din minsan pag masyadong magaling" I agree with Sigmund. Pag ikaw kasi yung magaling, ikaw yung laging ipapadala.

"Boss, wag na tayo kumain. Matulog nalang tayo." Suhestiyon ni Richter na tinanguan Astrid at Drake. Maski ako pero hindi ko pinahalata.

"All in favor to Lieutenant Salvator, please raise your right hand." Mabilis na nagsitaas ang lahat. Including me of course. Pag sa mga ganitong bagay talaga nagkakasundo kaming lahat. Ay magkakasundo naman kami talaga. Magkakapatid na ang turingan namin. Another reason kung bakit wala nang formalities between us unless seen by superiors.

Sumunod ang tawanan tsaka sabay sabay na humilata ang lahat sa kani-kaniyang kama na parang mga nabagsak na pasta.

"Goodnight"

"Bonne nuit"

"Guten nacht"

"Boa noite"

"Magandang gabi"

Maaga akong nagising since di na din naman talaga ako nakatulog ng maayos sa mga huling oras. Sa sobrang aga eh madilim pa ang paligid. Nauna na akong naligo habang tulog pa sila. Tactically, kahit pagligo namin ay may plano. Ako ang mauuna, sumunod si Astrid, sunod si Drake, Sigmund then Richter. Minsan di siya naliligo kaya't pinapahuli namin siya.

"Ang aga ng gising natin Boss ah," Tumabi si Astrid sa akin dito sa veranda. Mukhang gaya ko ay hindi na din siya nakatulog ng maayos. Baka ganun siguro side effects pag nasobrahan sa tulog. Ngumiti lang ako. Hindi ko naman alam ang isasagot eh. Di naman tanong yung sinabi niya.

"Di mo ba namimiss pamilya mo?" Tanong nito habang pinagmamasdan yung mga bituin na maya-maya ay mawawala na.

"Ano bang tanong yan Astrid. Sino bang di nakakamiss sa atin?" I really love my parents pero kasi once na nanumpa ka na sa bayan mo, hindi ka na pag-aari ng pamilya mo. This will be my new family. Masaya na din ako dahil provided na ng UN ang lahat ng pangangailangan nila. I know they're safe.

"Sabagay"

Isang malakas na kalabog ang nanggaling sa loob kaya't naalarma kami ni Astrid. Ano na naman kayang kalokohan ang ginagawa ng tatlo?

"Gago kayong dalawa!" Sigaw ni Richter habang hawak yung ano niya at namimilipit sa kama. Halos humagalpak naman sa sahig katatawa sina Drake at Sigmund.

"N-Na-Nakita mo yung m-mukha niya?!" Habol habol ang hiningang tanong ni Sigmund sa kasabwat.

"Anong ginawa niyo?" Hindi ko alam kung ba't natawa din ako sa kalagitnaan ng tanong ko. Nakita ko namang nagpipigil din si Astrid.

"Uungol ungol ka pang kumag ka HAHAHAHAHA" Pang-aasar pa ni Drake.

"Tangina mamatay na kayong dalawa!" May pulang bagay na tinapon si Richter sa sahig. The moment I realized what it is ay humagalpak na din ako sa tawa.

"Lagyan mong gatas" Astrid suggested in between her laughs.

"Lagyan mo daw gatas pre" Ulit ni Drake na inirapan lang ni Richter habang hawak pa din si junjun. Nagulantang kami nang may biglan kumatok sa pinto. Putcha wala naman ibang bumibisita dito sa amin.

Tumayo ang lahat ng tuwid at sumaludo ganun din si Richter kahit hirap na hirap at naliligo sa pawis. Namumula pa ang buong mukha.

"Report time at 1800."

"Sir yes sir!"

It's already 1700 at taranta na kami. Ako na ang nagbukas ng mga delata at nagsaing habang sila ay taranta na sa pagligo. Nagsabay na ang tatlong kalalakihan para tipid sa oras. Kung nandito ka sa kusina ay maririnig mo ang murahang nanggagaling sa cr.

"Hooyy bilisan niyo! Kakain pa tayo!" Astrid screamed. Napaparanoid na habang hinihintay namin yung tatlo. Sabay sabay naman silang lumabas at dumiretso sa kusina. Matapos kumain ay saka sila nagbihis.

"Gamma Team reporting for duty, Sir!" Sumakay na kami sa kani-kaniyang aircraft para hintayin ang oras. At exactly 1800 we will fly back to war and face death for the nth time. I turned the VFR on.

"UNDT Air Force F-15 Eagle, leaving the base in 5... 4... 3... 2... Launched success." Kahit ilang beses na akong nagpapalipad ng mga sasakyang panghimpapawid, still... I'll never get used to it. Ang sarap kumawala sa mundo. Sa magulong mundo ng tao. I'm not just a girl. I am Captain Bryztel Stariel and flying makes me feel human.

Magkasabay na lumipad si Astrid at Richter sumunod naman sina Sigmund at Drake forming a V position. The ocean seems nice. Sobrang kalmado at payapa.

"Gamma to Ethiopia. 16° North, 45° East. Angels 15. Delta 30 on your recovery time. Focus on your radar. Do you copy?"

"Roger Wilco." Astrid answered. As I expected, isa isa din silang nagrespond.

"Roger Wilco." Sigmund.

"Roger Wilco." Drake.

"Roger Wilco." Richter.

They all responded as we travel by air. May mga nasagap nang invaders ang aming mga radars kaya't tingin ko ay magsisimula na agad agad ang laban.

I don't need to lie. I'm always afraid.

"Bandits tally-ho, 12 o'clock." Inporma ko habang hinahanda ang sarili. Pinuwesto ko ang aking kaliwang kamay sa manual. The other one grips the missilery's control.

Hinintay kong makalapit sa tamang distansiya ang kalaban tsaka inilapag ang magic word.

"Fangs out, baby."

When the Skies and Seas MetWhere stories live. Discover now