Chapter 1

34 4 2
                                    

"Ano ka ba Elisia ayusin mo nga yang T-shirt mo para kang lalake" maarteng reklamo ni Aina sabay irap pa

"Hayaan mo nalang sya Aina ano ka ba— kakaiba nga kasi si Elisia,  diba?" baling sakin ni Kira saka sabay silang tumawa.  Nginitian ko sila ng malaki

Kakatapos lang kasi ng PE namin.  Pinatakbo lang naman kami ni Sir Morfell ng paikot ikot sa gym kaya lahat kami ay pagod na pagod

"Cafeteria tayo?" tanong ko sa kanilang dalawa habang sila ay nakaharap sa salamin at nag aayos

Pinatungan ni Aina ang lipstick nya habang si Zia naman ay naglalagay ng mascara

Tinignan ko pa ang repleksyon nila sa salamin,  samantalang ako ay sinuklay ko lang ang hangang bewang kong buhok at nagpahid ng pawis pagkatapos ay ayos na

"Here,  mag ayos ka nga.  You look like shit" inabot sakin ni Aina ang lipstick na ginamit nya at saka tinignan ang kabuuan ng mukha ko

Umiling lang ako sa kanya dahil hindi naman ako marunong mag make up

"Kung sabagay maganda ka naman kahit walang make up pero mas maganda parin kaming dalawa" dagdag nya pa sabay turo kay Zia at sa sarili nya

"O-oo naman" medyo utal kong sabi.  Nagkatinginan pa silang dalawa saka sabay na tumawa

"Let's go na nga" sabi ni Zia

Lumabas kami ng CR at dumiretsyo sa cafeteria.  Agad kaming umorder ng pagkain at naupo sa nakagawian naming pwesto

"Mauubos mo ba yan lahat?" nakangiwing tanong ni Aina habang nakatingin sa mga pagkain na inorder ko.

Isang carbonara,  burger,  pineapple juice, chicken at cake.

"Ang ganda ni Elisia no?" rinig kong pag usap ng dalawang lalake sa tabing table namin

"Oo at matalino pa.  Balita ko ay sya ang Rank 1 sa klase nila"

"Pwede nang pormahan dre kaya lang nakakaturn off.  Lakas kumain at walang kaayos ayos sa katawan." napapailing na banggit ng kausap nya.  Napangiti naman ako ng malaki at saka sunod sunod na sumubo ng pagkain ko

Napailing naman si Aina na parang nandidiri,  si Zia naman ay natawa lang sa ikinilos ko saka mahinhin na kumain

"Oh my God si Dwayne"

"Kyaah ang gwapo nya talaga"

"Lakas ng dating"

Hindi ko pinansin ang mga bulungan ng mga estudyante sa cafeteria.  Sanay na akong marinig yan.  Tristan Dwayne Alonzo. Ang pinakasikat na varsity sa school

"Saaaaam" Nakangiting bati nya saka   marahang naupo sa tabi ko at winagayway ang dalawang kilay

"Tristan ang ingay ingay mo" nakakunot ang noong suway ko sa kanya

"Hi Dwayne" kinikilig na bati sa kanya ni Aina at Zia.

"Hi girls" pang uuto nya sa dalawa habang nakangiti at bumaling muli sakin

"Dami dami naman nyan Sam.  Akin nalang to ha?" pinalo ko ang kamay nya nung aktong kukunin nya ang burger ko kaya naman bigla syang sumimangot

"Ang takaw takaw mo naman" sabi nya

"Sayo nalang to Dwayne oh" sabay sabi ni Aina at Zia at sabay na inabot ang burger nila.  Nagkatinginan pa sila saka sabay umirap sa isa't isa. Natawa kamii Tristan

"Eto nalang oh" sabi ko at binigay sa kanya yung salad

"Thank youuu" sabi nya habang nakanguso pa nang banggitin ang 'you'

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 29, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Under The Blue Sky [ TaeSoo/VSoo ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon