"Sana oil."
Palagi kong sinasabi sa mga dumadaang magjowa sa harapan ko. Paano ba naman, nakalipas na ang February. Wala parin nagtatangkang jumowa sakin. Kung makikita niyo ako ngayon, sobrang desperada na ako. Kaya nga minsan, napapaisip ako kung may balat ba ako sa pwet. Napakamalas ko pagdating sa love na yan.
"Palagi kang nagsasana oil diyan. Para kang bobo ka." Saad ng matalik kong kaibigan na si Yohann.
"Malamang, sobrang desperada na akong magkajowa. Malay mo may pumatol sa kakasana oil ko." Sabi ko sabay buntong hininga.
"Kit, makinig ka..." Agad akong tumingin sa gawi niya sabag sinamaan ko agad siya ng tingin.
Tanginang 'to. Pinakyuhan ako ng tarantado.
"Nga pala, sabi ni Ms. Salve, malapit na raw yung graduation ball. Dapat daw may kaparehas tayo."
"Baka di na ako pumunta doon." Sabi ko sabay tingin sa malayo.
"Luh? Para kang bobo. Pumunta ka doon. Aasahan kita doon." Ngitngit niya sabay alis sa tinatambayan namin.
"Mas bobo ka! Wala nga akong ka-partner!" Sigaw ko.
Kabwisit talaga. Bakit ba kasi hindi ako magkajowa. Papa God, why? Sa dinami-dami ng tao sa bansang Pilipinas, bakit isa ako sa napili mong maging single for the rest of my life?
Jusko! Maloloka na talaga ako!
--Graduation day
"Ready ka na ba?" Sabi ni Yohann sakin.
"Oo, ready na ako. Tsaka kahit di mo naman ako tanungin, I'm always ready." Walang gana kong sagot.
"Iyan ang gusto ko sayo eh." Nakangiti niyang sabi.
"Hoy! Anong sabi mo?!" Gulat kong turan sa kanya. Tama ba yung rinig ko?
"Tado wala. Sabi ko, bilisan mo kasi tawag ka na ni Ms. Save para sa valedictorian speech mo." Taboy niya sa akin.
Nawala tuloy ako sa composure ko. Tama ba yung rinig ko kanina? Tangina, kung bakit naman kasi may pagkabingi ako ng very light. Inirapan ko nalang ang sarili ko. Biglang tinawag ang pangalan ko sa stage. This is it, pancit.
--Makalipas ang sampung minuto
Natapos rin ang nakakatawang speech ko. Self-proclaimed ampucha. Pero tulad nga ng sabi ko sa speech, "Chill ka lang. Para di ka madaling tumanda."
Hindi ko na nakita si Yohann after ng graduation. Nasaan na kaya yun? Agad akong dumiretso sa bahay namin at ayun nga, pinilit din ako ni Lola na umattend ng Graduation Ball dahil minsanan lang daw ito mangyari.
Umoo nalang ako dahil gumawa ng paraan si Lola para maka-attend ako. Pinagawan niya ako ng tuxedo. Medyo kakaiba ito sa mga nakikita kong normal na tuxedo. Kulay maroon ito kapag natatapatan ng liwanag. Pero nagiging itim din. Kung maaalala niyo yung suot ni Catriona sa Miss Universe, ganoon yung itsura kapag may liwanag. Parang lava.
Syempre nagtanong ako kung saan siya nakakuha yung pera, at sikretong malupit na daw yun. Hay nako! Si Lola talaga. So I manage myself na para magmukha na akong tao. Poging-pogi si Lola sakin. Bagay na bagay daw yung suot ko sakin. Sana palagi diba? Nagbihis na din si Lola at ayun, hinatid niya na ako sa Graduation Ball Venue.
Palabas palang kami ng bahay ng hinarang kami ni Kuya Elmer. Kapitbahay namin.
"Saan punta niyong maglola? Aba't ang gwapo naman po ng kasama niyo nanay." Puri sakin ni Kuya.
BINABASA MO ANG
A Mailbox Of Love Letters [One-Shot Stories]
Teen FictionA Mailbox of Love Letters is a compilation of one-shot stories that tickles your imagination.