Chapter XXIV

19 2 0
                                    



Eurydicé

Nakatulala ako habang nakaharap sa dagat at hinihintay ang paglubog ng araw, nakausap ko si Psyche kanina at sinabi niya ang napag usapan nila ni Artemis.

Hinahampas ng alon ang mga paa ko at tinatangay naman ng hangin ang unipormeng suot ko, hindi kasi ako pumasok sa hapon kasi parang hindi ko kaya.

Napansin kong kumislap ang kwintas na suot ko dahil nakaharap ako sa haring araw na palubog na kaya agad kong hinubad ang kwintas na iyon.

"Ang kwintas na ito ang nagpapatunay sa pagkakaibigan namin ni Vee" Saad ko at ningitian ko ng malungkot ang kwintas.

"Pasensya ka na kung mawawala ka na ha? mawawala narin kasi siguro yung pagkakaibigan namin" Malungkot kong sabi at dahan dahan na tumulo ang luha ko.

"Oo alam kong sinabihan ko na si Hestia na huwag na niya akong alalahanin at ang gawin nalang niya ay ang ibigin siya pero..." Napaupo ako sa buhangin, medyo malayo ito sa tubig kaya hindi ako naabot.

"Ang sakit, sobrang sakit ni wala man lang akong magawa kasi ano naman ang magagawa ko diba? kaibigan ko ang kalaban ko dito at ayaw kong kalabanin ang kaibigan ko, kaya pasensya ka na ha?" Sabi ko sa kwintas.

"Yes i love him but i love my bestfriend too and my bestfriend is more important than my heart" Tumayo na ako sa kinauupuan kong buhangin at pinagpag ang sariling damit at lumapit sa dagat na kung saan hanggang tuhod ko ang tubig.

"Alam kong ang babaw ng dahilan kong pakawalan kung mas importante sa akin si Hestia pero sadyang nasasaktan lang ako ng sobra kaya...paalam na" Saad ko at binitawan ang kwintas.

Agad akong umalis sa tubig dahil alam ko na kapag hinayaan ko ang sarili ko na manatili sa tubig ay magbabago ang isip ko at lalanguyin yung dagat paraang mahanap ang kwintas na pinagkaingat ingatan ko.

"Alam kong dito lang kita mahahanap" Saad ng boses na nasa aking likuran at kahit pa hindi ko siya nakikita ay kilala ko ang boses na iyon.

"Bakit mo tinapon ang kwintas na 'yon? alam kong sobrang importante yun sayo pero bakit mo hinayaaan na mapasakamay ko ang bagay na 'yon?" Saad niya kaya natawa ako ng mahina dahil sa sinabi niya kasi inaakala kong literal na nasa kamay niya pero naalala ko na dagat rin pala ang kausap ko.

"Kung sabagay, kung ako rin naman ang nasa kalagayan mo ay baka nasuntok ko na ang kaibigan ko" Wala sa sariling sagot niya kaya agad akong humarap sa kanya.

"Anong ginagawa mo dito? tubig-alat?" Tanong ko kaya ngumiwi siya.

"Noon ay karagatan ang tawag mo sa akin tapos ngayon ay tubig-alat na?" Nakangiwing sabi ni Karagatan aka Poseidon.

"Baka sa susunod niyan ay Pacific Ocean na ang itatawag mo sa akin" Dadag ni Karagatan na sinasabi niya.

Umupo ako sa buhangin at ganon rin siya, tumabi siya sa akin at tinitignan ang paglubog ng araw.

"Ang cheesy nating dalawa ah? buti nalang at nagawa na namin to ni Salacia" Pagkwento ni Karagatan kaya natawa ako.

"Seriously? pumayag si Artemis na tawagin mo siyang Salacia?" Natatawang tanong ko. Ayaw na ayaw kasi ni Artemis na tawagin siyang Salacia kasi pang sinauna raw yung name.

Him, Her and I (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon