Zero's POV
Kaagad na hinila nila ako palabas ng kwarto upang maipakilala sa lahat ng estudyante na nasa Star dorm.
"Tamang-tama nandito na pala kayong lahat."
Masayang sabi ni Dusk sa lima pang estudyante na kakarating lamang dito sa dorm.
"Who's this?"
Turo sa akin ng isang nakakatakot na babae dahil sa masiga niyang kilos.
"Ah siya ang ating bagong ka-dorm. Si Zero Craig."
Masiglang pagpapakilala sa akin ni Cyan at kaagad na lumapit sa akin ang masigang babae.
"Hi! Ako nga pala si Zaine Lee, anak ni Zach Lee at Allesa Ramirez, prince and princess of kingdom of Vector."
Masiglang pagpapakilala nito habang nakikipagkamay sa akin.
"Ang daya niyo naman nagpakilala kayo ng may katayuan."
Sabi ni Cyan at tiningnan siya ng edi-magpakilala-ka-rin-ng-ganito look ng lahat.
"Ako naman si Pierce Grey, son of demigods named Hendrickson Grey and Reina Cortez."
Pagpapakilala naman ng lalakeng ito na kanina pa nakangiti simula ng makita ako.
"The names Scarlet Fernandez, daughter of the great demigods named Lyon Fernandez and Selena Sevilla."
Pagpapakilala nito at mukang sa lahat ng mga ito siya ang may pinakamalakas na magulang lalo na't great demigods pa ang mga ito.
Pero kung great demigods ang kanyang mga magulang, diba dapat ay demigod na rin siya ngayon?
"Wow. Nice to meet you Scarlet."
Pag-abot ko dito ng aking kamay para makipagshake-hands na tinanggap naman niya na may matamis na ngiti sa kanyang labi.
Medyo nagulat ako ng biglang may nang-agaw ng kamay ko kay Scarlet at nakipagshake-hands sa akin.
"Blair Snake."
Tipid nitong pagpapakilala.
"Kaano-ano ka ni professor Snake?"
Tanong ko ng mabanggit niya ang apelyido niyang snake.
"Daughter."
Tipid nitong sagot at bumitaw na sa pakikipagkamay sa akin.
"Hindi pa ako nagpapakilala sayo ng formal. My name is Vule Lamort. An angel created by God's power."
Pagpapakilala nito at hindi ko maiwasang mailang dahil sa ngiti niyang parang namamlastik lamang.
"Magpapakilala muli ako, ang daya niyo kasi eh."
Bigla namang sabat ni Cyan at kaagad na hinablot ang kamay ko para makipagshake-hands.
"Cyan Cortez, son of demigod Reyhan Cortez and Queen Xyrra Williams, I'm the half blood prince."
Natawa naman ang lahat maliban sa akin ng mabanggit niya na siya ang half blood prince.
"Hoy! Anong nakakatawa don ha!?"
Naiinis na sigaw sa kanila ni Cyan at hindi man lang sila natinag nito sa pagtawa.
"Tumigil ka na kasi sa pagpapakilala mong ikaw ang half blood prince. Wala namang ganun!"
Sabi ni Dawn at nagtawanan na muli sila na ikinatawa ko na rin.
Wala naman palang ganun. Kala ko naman kung bakit sila tumatawa.
BINABASA MO ANG
Rise Of The Fallen [HIATUS]
Fantasy[ Sons and Daughters of Satans Children, and Demigod's 3rd generation | Fallen book #2 | Tagalog storyline ] • Book Cover by Suhoberrie • Creating a world where the fallen will arise with the angels from above. Demigods and demons will collide, but...