Chapter XXIII

16 2 0
                                    

A/N: How about you reader? pagkakaibigan o pagiibigan?

Si Psyche muna.

Psyche

"Psyche, sabihin mo sakin ang totoo" Namumugto ang mga mata niya at namumula ang ilong niya tapos yung mata niya ay parang pareho na sa adik dahil sa pula.

Tumabi siya sa akin ng upo at sinandal niya ang ulo niya sa balikat ko.

"Nagkulang ba ako bilang kaibigan? ang sagot kasi ni Hestia ay hindi naman daw kaya lang ay sumobra lang ako pero diba dapat kapag sobra yung binibigay sayo ay magiging totoo na siya?" Nakaramdam ako ng sakit dahil sa sinabi ni Eury, green minded ang babaeng to pero may mga bagay talaga na inosente pa siya.

Tulad nalang ngayon.

"Eurydice, hindi ibig sabihin na sobra yung binigay mo sa tao ay magiging tapat na siya sayo" Walang emosyon na sagot ko.

"Masama ba ang magbigay sa isang tao ng sobra?" Wala sa sariling tanong niya kaya bumuntong hininga ako, kung hindi ko lang to kaibigan ay baka nasapak ko na to.

"Eurydicé, pareho nating alam na masama talaga ang magbigay ng sobra" Seryosong saad ko.

"You called me Eurydicé two times already, ganon ka ba kaseryoso?" Tanong niya.

"Yeah because not everyone is loyal to you excluding me" I said. Alam ko sa sarili kong hindi ko lolokohin si Eury, our parents were bestfriends so technically we're bestfriends too.

"Sa simula palang ay alam kong hindi mo ako ta-traydurin, nagsi-sekreto ka nga lang" Sabi ni Eury kaya mahina akong natawa at ganon rin siya.

"Of course" Sagot ko at dinugtungan yun ng tawa.

"Because we are one soul in different bodies" We both said and laughed a little.

Hindi ko naman talaga kayang traydurin si Eury, nagsikreto nga lang ako---kami nila Artemis.

"May tanong nga pala ako" Mahinang tugon ni Eury, bahagya pa akong nanibago sa tono ng boses niya.

"Kelan mo nalaman na nagtraydor si Hestia? I'm sure alam mo yun diba?" Sabi ni Eury at bahagya pang tumawa.

"Nagkausap kasi kami ni Artemis doon sa sosyal niyang balcony" Sabi ko.

[Flashback]
Two months ago

A/N: Two months ago so noong June pa sila nag usap dahil ang present month ng story na ito ay August.

Ps. Pinaliwanag ko lang kasi baka maguluhan kayo sa timeline ng story.




Naglakad lakad ako habang hawak hawak ang cellphone ko dahil naghahanap ako ng magandang pwesto ba may malakas na signal para makapag ML na ako.

Wala sa sariling ngumisi ako nang maalala kong malakas pala ang signal sa library kaya agad akong nagtungo doon. As usual, kumuha ako ng makapal na libro para ipangtakip sa cellphone ko, kakaiba pa naman ang mata ng librarian namin.

"Psyche, kailangan kitang makausap" Muntik pa akong mapasigaw dahil sa gulat.

"Gago ka Diana, ginulat mo ako" Sabi ko at bahagyang natawa.

Him, Her and I (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon