Chapter 5

0 0 0
                                    

Samantha's pov.

"Samantha? T-totoo ba to? Ako ang ama ni Tin?" gulat na tanong ni Matt. Nasa sofa kami ngayon.

"Oo nga. Ikaw ang daddy ni Tin. Nakalimutan mo na ba, may nangyari sa ati—"

"Shhhh. Stop. Nandito si Tin".

Ang manly niya ngayon. Sa bagay, nandito kami eh. Nakangiti lang si Tin sa kanya.

Napatingin si Matt sa kanya. "Tin. Halika ka nga dito" sabi ni Matt saka lumapit si Tin sa kanya.

Niyakap niya si Tin. "Tama pala ang hinala ko. May anak ako kay Samantha. At ikaw yun" nagyakapan silang dalawa.

"I'm so glad to see you, Dad. Natupad ang wish ko na sana ikaw na ang daddy ko".

Natuwa ako sa nakita ko. They finally meet. Oo nga pala. Sina Patricia.

Tinignan ko ang buong paligid. "Si kuya Seb nga pala?" tanong ko kay Matt.

"I'm here at the stairs". Napatingin kami sa hagdanan.

"Tito Seb!" bumaba si Kuya.

"Oh. Nandito na ang prinsesa ng kapatid ko". Binuhat niya si Tin.

"Grabe ka kuya ah. Parang ikaw na ang daddy ni Tin" reklamo ni Matt.

Nagtawanan kami. Tumingin ulit ako sa paligid.

"Kuya Seb. Hindi mo ba kasama sina Susana?" tanong ko kay kuya Seb.

"Hindi eh. Nag-away kasi kami. Bakit?".

Napangiti ako. "Dito ka lang kuya. May ipapakita ako sayo.  Tin, 'wag mong sasabihin kay Tito ah" paalala ko kay Tin.

"Promise, mom" tugon niya.

"What? Grabe ah. Sabihin niyo na sa akin" sabi ni kuya kaya napatawa kami ni Tin.

"It's a surprise, Tito".

Lumabas na ako papunta sa Kotse ko.

"Wala sila Susana sa loob. So, let's go?" napangiti sila at bumaba na sa sasakyan.

'Di na muna nila dinala ang gamit nila.

Pumasok na kami sa gate.

Pagpasok ko sa loob ng bahay. Tinawag ko kaagad si Kuya Seb.

"Kuya Seb" napalingon siya sa akin.

Pumasok na si Patricia pati ang dalawang bata.

Binaba na ni Seb si Tin. "P-patricia?" 'di mapakapaniwalang tanong ni Kuya Seb. "Wait. Am I dreaming?"

Lumapit siya kay Patricia. Nang makalapit na siya kay Patricia, sinagot niya ang tanong ni kuya Seb.

"No you're not" sabay ngiti. Niyakap siya agad ni Kuya Seb. Napakahigpit, mahahalata mong miss na miss na nga niya si Patricia.

Ang dalawang bata naman, nakatitig lang sa kanilang dalawa. Humiwalay na sila sa pagyayakapan.

"Who are they?" tanong ni kuya Seb.

"This si Cleign Marie Trisha. And this is Clyde Sebastian. Your daughter and son".

Napatingin si Kuya Seb sa mga bata saka lumuhod at niyakap sila.

"Mga anak ko. I'm sorry. Matagal na sana tayong buo kung 'di ako nagpakasal sa iba" paghingi ng tawad sa kanila.

"It's okay, Dad. We understand you" sagot ni Clyde.

"Clyde was right. We know that you love us even you have another family"

Napangiti ako sa kanila. Lahat kami. Tumayo na si Kuya Seb para muling yakapin si Patricia.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 23, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Come Back To Me, Mr. CEOWhere stories live. Discover now