Wet me with fire (Chapter 13)

6.3K 104 1
                                    

Chapter 13

Mahigit kalahating oras nang naghihintay si Vergil sa pinakasulok ng restaurant na tagpuan nila ng kausap niya pero hindi pa rin dumarating ang babae. Kanina pa niya pinapakalansing ang tinidor sa wala ng lamang platito sa sobrang pagkainip.  That bitch should be thankful that I’m a patient man. I will wring her neck if she fails me. Uminom siya ng tubig at sinaid ang laman ng baso upang kalmahin ang sarili. Sinipat niya ang relong pambisig. It’s getting late. Makaktikim talaga ang babaeng iyon kapag nagkita silang muli.

Kung kailan niya napagpasyahang umalis na roon ay isang bag na pambabae ang lumapag sa mesang inookupa niya. Bagot na bagot na naupo ang bagong dating sa kaharap niyang silya. Ipinatong nito ang kamay na may hawak na sigarilyo sa ibabaw ng mesa at bumuga ng usok sa mukha niya matapos humithit doon.

“It’s good to see you again, Vivian. Ano na ang nangyari sa usapan natin? Mukhang hindi mo tinutupad iyon.” Iwinagayway niya ang kamay sa harap ng mukha upang palisin ang usok patungong ibang direksyon.

“It’s not good to see you again, Vergil. Ano na pala ang nangyari sa plano mo? Naidispatsa mo na ba ang asungot? I need the money. I’m tired of waiting. You know that I’m not very patient as you are. Hindi kailanman napasama ang salitang paghihintay sa bokabularyo ko. Kilala mo ako, hindi ako nagsisinungaling,” bagot na sagot nito sa kanya, muling nagbuga ng usok sa direksyon niya.

“Makukuha mo na ngayon ang hinihingi mo pero hindi ko pa naisasagawa ang plano. Sa tingin ko ay masyado pang maaga para gawin iyon.”

“Despues, hihintayin ko na lang ang sinasabi mo. Ipasok mo na lang sa private account ko ang pera.”

“Oo, makakaasa ka. Isa lang ang gusto kong gawin mo. Ilayo mo ang asungot sa buhay ko dahil kung hindi ay ako mismo ang magbubura sa kanya nang hindi ko na siya makita kahit kailan.” Hindi niya napigilan ang bahagyang pagtaas ng tinig. Mabilis din siyang kumalma upang hindi mapuna ng iba ang pag-uusap nila. Naikuyom niya na lamang ang palad.

“Are you challenging me, Vergil? Ang tunay na asungot sa pagitan natin ang tuluyan mong idispatsa ng wala na tayong pasaning problema. Napakakupad mo kahit kailan kaya lagi kang nauunahan,” kalmanteng wika nito. Idinutdot ang upos ng sigarilyo sa platito hanggang sa mamatay iyon.

“Yes, yes, Vivian. I’m sure of what I’m going to do. Stop underestimating me.”

“Siguraduhin mo lang. Mauuna na rin ako sa’yo at nasasayang ang oras ko. Marami pa akong dapat asikasuhin.” Maaskad na tumayo ito. Akmang tatalikod na sana ito nang muling pumihit paharap. “And by the way, I don’t want to see you anymore. This will be our last meeting. Don’t ever try to look for me again,” pahuling wika nito at tuluyan na siyang iniwan roon.

“Bitch,” usal niya. Umalis na rin siya matapos niyang magbayad ng bill at umuwi na.

May tangan-tangan siyang isang bungkos ng bulaklak at kahon ng chocolate para sa asawa niyang si Monica nang pumasok siya ng kabahayan. Siguradong masosorpresa ito dahil maaga siyang nakauwi. Hindi na siya bumalik sa opisina kahit may kailangan pa siyang tapusing mga paperworks. Nag-undertime na lamang siya upang hindi na magtampo ang misis niya sa kanya. Halos isang linggo rin kasi siyang nag-overtime upang matapos lahat ng mga importanteng gawain niya.

Dumiretso na siya sa itaas na palapag. Tahimik ang buong paligid sapagkat wala silang mga katulong. Isang guwardiya lamang ang bantay ng buong bahay. Umuupa lamang sila ng tagalinis doon isang beses kada linggo. Iyon ang kagustuhan ng asawa niya sapagkat ayaw raw nitong ipagkatiwala at iasa sa iba ang pag-aalaga sa kanila ng anak nilang si Veronica. Sadyang mapagmahal ito.

Binilisan na niya ang pagpanhik. Labis siyang nasasabik sa asawa niya. Matagal-tagal na rin mula ng huli silang magniig dahil sa dami ng inaasikaso niya sa opisina. Dinaanan muna niya ang silid ng kanyang anak na si Veronica. Sinilip niya ito, mahimbing na itong natutulog. Kinapa niya ang higaan nito. Napangiti siya ng maramdamang tuyo iyon. Palagi kasi itong umiihi sa gabi habang natutulog. Kinintalan niya ito ng halik sa noo at lumabas na ng silid.

Wet Me With Fire (TO BE PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon