CHAPTER 27

963 23 7
                                    

Chapter 27- Pag suyo

RAINE POV

NAGISING ako sa ingay ng alarm clock halos tatlong oras lang ata ang tulog ko dahil sa kakaisip sa mga sinabi ni drake saakin. Parang magkakasakit ata ako lintek na.

"R-raine i know you don't understand this it's okay to hate me but i love you raine"

Naalala ko bigla ang sinabi nya kahapon, bakit sya nagsinungaling? Bakit?

Like what the heck pwede naman nyang sabihin na ganun nga may gusto sya sakin e hindi naman ako magagalit, pero yung nagsinungaling sya na bakla at ang masakit alam ng mga kaibigan ko alam ng lahat tapos ako? Ako? Ayun mukhang tanga ansaya diba!

Naiiyak na naman ako lintek tsk naman oh luha tama na ha tama na!

Tok tok tok tok

"Iha raine gising ka na?" Sabi ni manang.

"Opo wait lang po manang"

Naligo na ko at nag ayos kasi may pasok pa ako at bumaba na pagkatapos. Pagkababa ko ay wala na si kuya at nauna na daw kasabay si ate daph.

@School

Tahimik lang akong naglalakad papasok ng school at naglagay ako ng earphone para naman wala akong marinig na kahit sinong tumawag sakin. Galit ako yes galit ako sa kanilang lahat.

Nang nasa tapat na ko ng room ay lumipat ako ng upuan sa tabi ni lyra kaya naman nakita ko ang itsura ng mga kaibigan kong nalungkot i think alam na nila kung bakit tss. Nakita ko ding nagtaka si lyra dahik tumabi ako sa kanya.

Dumating na ang proff namin at nagsitahimikan ang mga classmate ko.

Discuss

Discuss

Discuss

Discuss

Lunch break

NAGSITAYUAN na ang mga classmate ko at ako? Eto dito lang sa room may dala akong cookies bigay sakin ni ate daph sabi ni manang.

"Hindi ka bababa?" biglang tanong sakin ni lyra, nakita kong hindi rin sya bababa dahil may kanin syang baon tss.

"Yes nakakatamad e" tipid na sagot ko.

"Woah bago yan ah may problema ka ba girl?" Feeling close e?

Gusto kong sabihin meron pero ka ano ano ko ba to? Tsk. Magsasalita na sana ako kaso ay may tumawag sakin mula sa pinto ng aming room.

"Raine tawag ka ni ma'am saderna" sabi sakin ng ssg president namin na si allan.

"Okay sige sunod na ko asan ba sya?"

"Nasa english faculty" tipid na sabi nya at umalis na.

Kaya naman inayos ko muna ang sarili ko at pumunta sa faculty ni ma'am saderna. Pagkapasok ko ay nakita ko si ma'am saderna na busy sa pag gawa ng mga ewan pero tungkol sya lahat sa school kaya naman lumapit ako sa kanya.

"Hi ma'am tawag nyo daw po ako sabi ni Allan?" Napalingon sakin si ma'am at inayos ang gamit nya.

"Ah yes may gusto sana akong ipagawa sayo ngayon tutal ikaw naman ang may pinakamataas na score sa english so you make a essay about sa pinagusapan natin last meeting then ipapasa mo mamaya sa dean's office." Sabi sakin ni ma'am saderna hindi na ako nagtanong kung bakit sa dean's office ipapasa dahil pag 5:00pm nandun lahat ng teacher's i don't know why.

My Gay Bestfriend Got Me PregnantWhere stories live. Discover now