Ako si Sabrina, 16 years old, 4th year high school.
Kababata ko si Kevin. Sobrang comportable na namin sa isa't isa. Yun bang makakautot kana sa harapan niya at ang mga amoy ng mga utot niyo ay kabisado niyo na. Para akong nagbibiro diba. Pero ayan ang totoo.
Dahil sa magkaibigan din ang parents namin at magkapartner sa business, lagi kaming nagkakasama sa Party or kahit anong event. Pareho din kami ng school since elementary. Wala na yatang araw na naghihiwalay kami kaya madami ang nag tatanong kung kami daw ba.
Pero syempre hindi. Mag BESTFRIEND lang kami.
***
7:30 am
*Kring kring kring*
Nagising ako sa phone ko at sinagot ang tumatawag.
"Hoy Panget, Hindi ka parin gising? Malalate kana. Papunta na ako jan." sabi ni Kevin.
Lagi kaming sabay pumasok, sinusundo niya ako. Ganun din kapag uwian.
"Hoy unggoy, Excited kaba? Aga aga pa. Kitang natutulog pa yung tao pupunta kana." sabi ko habang humihikab.
"Wala ba sa ayos yang relo mo o hindi ka lang marunong mag basa ng relo? 7:30 na po Sabrina! Malalate kana."
Nagulat ako sa sinabi niya 7:30 na. Oh my gulay, late na nga ako. Nagmadali akong bumangon at iniwan ang phone ng hindi iniend ang call.
Naligo na ako, sa bilis kong naligo, tapik tapik lang ata ng tubig ang nagawa ko. Pero ayos lang yan, mabango naman na ako.
"Ate, Bilisan mo. Kuya Kevin is here." sabi ni Sam, kapatid ko.
Anjan na si Kevin hindi pa ako nakakapag suklay. Sa sasakyan na nga lang. Agad agad akong bumaba at kumuha ng tinapay at sumakay na sa sasakyan ni Kevin.
"Good morning Panget. Goodmorning Sam." sabi ni Kevin.
Hindi ako kumibo ngumiti lang.
"Wala ata sa mood ate mo ngayon Sam."
"Hindi kasi nakakain, Alam mo naman yan. PG." sabi ni Sam at tumawa sila ni Kevin. Inirapan ko nalang sila. Ang sarap nilang pag untugin.
Nangmakarating na kami sa school, bumaba ako agad sa sasakyan at pumunta na sa classroom. Habang nag lalakad may tumawag saakin, Pag lingon ko si Janna. Si Janna ang bestfriend ko sa babae. Elementary palang bestfriend ko na yan.
"Oh bakit?" sabi ko.
"Sabay na tayo. Tutal pareho naman tayo ng classroom."
"Ge."
"Bakit?"
"Anong bakit?"
"Bakit ang sungit mo ngayon?"
"Ah wala."
"Wala wala ka jan. Meron ka ngayon noh?"
"Wala."
Tumawa si Janna ng hindi ko alam ang dahil.
Hay ewan ko sa mga tao ngayon, nakakainis. Ewan ko nga kung bakit ako naiinis. Basta ang alam ko lang wala ako sa mood ngayon.
***
Uwian na. Ang bilis lang natapos ng araw ngayon. Well, ganun naman lagi.
Nag liligpit ako ng gamit ng kausapin ako ni Kevin.
"Panget, Una kana umuwi. May gagawin pa ako ee." sabi niya.
"Sige. Bye." sabi ko.
Ewan ko ba wala talaga ako sa mood.
Tinawagan ko ang driver para masundo na ako. Habang nasa byahe, Hindi ako mapakali. Iniisip ko yung sinabi ni Kevin. May aasikasuhin pa daw siya. Ano kayang aasikasuhin nun? Wala namang basketball yun ngayon. At kung may meeting man dapat alam ko. Hay ewan nakakaloka na.
Sa kakaisip ko hindi ko namalayan na andito na pala ako sa bahay. Agad akong pumasok sa kwarto ko at humiga. Wala naman akong ginawa mag damag kung hindi makinig sa clase pero bakit parang pagod na pagod ako. Ang weird ng feelings ko today. Makatulog na nga lang.
***
8:00 pm
3 oras na pala ako natutulog. Tinignan ko ang phone ko pero walang notification. Ang boring ng araw na to. Bakit ganun? Walang text si Kevin. Bigla ko siya namiss. Tawagan ko kaya? Oo tama. Tatawagan ko nalang.
*Kring kring kring*
*Kring kring kring*
Ang tagal naman sagutin. Hindi naman yun laging ganun. Pero biglang sumagot.
"Panget bakit ba? Wag ka muna tumawag busy ako. Nakakaistorbo ka." sabi niya at binaba ang phone.
Hala bakit ganun si Kevin, Hindi naman yun ganun. Never niya akong pinag salitaan ng ganun. Ano kaya problema nun. Ay, baka nga busy lang.
Bumaba ako para kumain na ng dinner, Wala akong gana kaya Salad lang ang kinain ko at bumalik na agad sa kwarto ko.
Mag aral nalang ako dahil nalalapit na ang exam.
Mahigit 2 oras din siguro akong nag aral.
Hindi ko nalang namalayan na nakatulog na pala ako dito sa study desk ko, habang hawak hawak ang ballpen ko.
BINABASA MO ANG
Because Of You
Teen FictionFriend. Best Friend. Something more. Ang sarap mag mahal nuh? Lalo pa pag alam mong siya na yung "THE ONE" Yun lang, Inlove ako sa BESTFRIEND ko.