"ayieee si Harold ba yun? Ang gwapo niya talaga huhuhu." girl1
"oo nga girl. I want him to be mine." girl2
"ano ba kayo akin siya." girl3
Tsskk ano ba naman to kei aga aga samot saring tili na naman ang naririnig at nalalanghap ko tsk.. Sino ba kasing gagong epal at kung makatili tong mga to . Makabasag tenga tsk!tsk!
Andito kami sa cafeteria kaya naman kung makatili tong mga to wagas, di ba pwedeng tahimik lang?
Meganon tahimik tumili? Tanga ko rin ano hehe peace tayooohh..
"ui Moo nakabusangut na naman yang mukha mo.. Anyare?"
ayan si Geilez ang amazona kong bestfriend. Pero ngeelss ka ahh pag may nangyaring masama ni isa man samin naku !! ready ready ka na .. Hahaha marunong kayang magtaekwondo yan si bessy kahit kikay na kikay yan. Haha good luck nalang sa inyo.
" hey! Moo mundo to oh. San na naman ba lumipad yang utak mo ha?"
Nabalik ang diwa ko nang winagayway niya ang kamay niya..
"ai wala Moo I'm fine. I just can't help it. Sino ba kasi ang walang hiyang lalaking pinag-uusapan ng mga yan"*sabay turo ko sa mga nagkukompulang babae sa likuran ng table namin.*
" wow! Moo umienglish kana ngayon ah? Improving haha dinaig mo pa ako."
Aba't tinawanan pa ako.
Tok!
"aray naman Moo"
Binatukan ko nga ang kulit ei. Purket di ako hasa ng english ei. Pero marunong naman ako ah hehehe.. Mga common nga lang haha...
"Seryoso ako. Sino nga?" saad ko
"ah ei Oo na pero Moo seriously? Di mo kilala si Harold Ken Thompson? Ang Teen Star actor? Ang crush ng lahat? Ang iniibig ng lahat ng babae? At ang pinakagwapo sa balat ng lupa? O sadyang libro lang talaga ang kilala mo?" said Moo at may gestures payan ah wari'y umaacting kuno.
Tsk! Ganun ba? Artista siya? Ei bakit pa andito yan? Di ba niya alam na maraming paparazzi sa tabi tabi, oh wait am I that concerned of that guy? Erase. Erase
Ayan tuloy napaenglish na ako hehe..
At oo tama si Moo mahilig talaga ako sa libro. May pagkanerd look kasi ang attitude ko. Oh well di naman ako sumusuot ng nerd glasses noh. Sayang ang ganda ko hehe joke. Sadyang iniidolo ko lang ang mga libro..
" ganun ba? Malay ko ba ei di ko alam ei. Tsk. Wag nga lang nating pag-usapan sayang araw ko. Nasan na ba ang dalawa at magttime na wala pa sila." baling ko sa topic.