APL- 22 Rikko's Fear

47 2 0
                                    

APL 22 Rikko’s Fear

-Demon Lime

-Rikko’s Point of View

Nakita ko kung paano pumikit si Lime. Ano nanaman bang nagyayari sa kanya? Magsha-shut down nanaman ba sya?

“Rikko, Lumayo ka! Kayo din kung hindi madadamay kayo!!” sigaw ni Shun.

Hindi ko maintindihan ang sinasabi nya pero kusang lumayo ang mga paa ko ng makita kong nakayukong tumayo si Lime at sa pagtunghay nya sa akin ay ibang mga mata na ang nakita ko. Nanlilisik iyon at hindi na si Lime ang nasa harapan ko ngayon.

“Tara na. Kailangan nating makuha si Master Frost!” sabi ni Shun pero hindi ko maintindihan. “Naging halimaw sya. Kung anime ito, super saian mode sya! Takbo na!!” nagtakbuhan ang lahat pero yung tatlo pinagtripan pa rin si Lime.

Naroon na ang mga suntok ni Lime na syang nagpapatumba agad sa mga natatamaan nito. Kahit normal na istudyante ay natatamaan ng mga suntok nya at napapatumba kaagad.

“Hello, Admeral Suarez. Please po kailangan namin si Jin nagwawala nanaman po si Lime. Nakita ko na po ito noog birthday nya. Please po magpadala kayo ng pansamantalang pipigil sa kanya habang wala pa si Jin. Please po!” sigaw ni Shun at ngayon ko lang sya nakitang takot na takot.

Tumingin ulit ako sa loob ng canteen at patuloy sya sa pagsuntok sa mukha ni Benidict tapos kay Donald naman sya angpunta. Di sya nakuntento at si Yumikuro naman ang sinampal nya. Nakadalawang sampal sya ng magsidatingan ang army at doon natuon ang tingin ni Lime. Agad syang sumugod at napatumba nya agad ang tatlo sa unahan ng linya.

Sh*t asan na si Jin.

“Shun! Nasaan daw si Jin?!!” aligagang tanong ko.

“Nasa isang conference daw sa New Hamsphere.” Sabi nya at napaupo na lang ako sa panghihina ng aking mga tuhod. Desaster talaga ito.

Bakit naging ganito si Lime.

Hindi ko alam kung gaano katagal akong nakatunganga doon at pinapanood kung paano bugbugin ni Lime ang mga kalaban nya. Napunta sya sa gawi ko at nanlaki ang mata ko ng makita ko syang parang nakakita ng prey.

“Huwag sya Forrest!!” sigaw ni Shun at humarang sa harap ko. Pinalis sya ni Lime na parang sobrang laki nya sa lakas at layo ng distansyang natamo ni Shun.

“SHUN!!” Sigaw ni Kieth at agad na nagpunta sa lugar ni Shun. Hindi ko na alam ang nangyari sa kanila dahil kay Lime ulit ako napatingin.

Si Admeral na ang humarang sa akin at mukhang balak talga nyang pigilan si Lime.

Ang Pagiging LalakiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon