APL-30 Just the way you are part 2

37 2 0
                                    

   APL 30 Just the Way you Are (part 2)

-RiMi

-Sikat pala si Jack?

-85

-Sana magong maayos ang lahat.

“Jin, di mo ba namimiss yung time na magkakilala tayo? Yung tayong dalawa lang?”huminto ako ng pagsasalita para matingnan ko sya. Umiinom sya ng juice galing doon sa football piknik booth. Syempre libre ko, galing sa part time job ko yan. Hehehe.. “Yung walang asungot na taga basketball team!” tiningnan ko ang mga nasa likuran namin na kung hindi naguusap ay nagsasakitan tapos tatawa.

“Pabayaan mo lang sila. Tutal naman masaya tayong lahat na magkakasama.” Whhhaaaa.. bakit Jin! Bakit!!?? Ayaw mo ata talagang masolo kita e. T^T huhuhu.. sabat ng isip ko.

Kainis naman kasi. Hanggang byarnes na nga lang ang pag-ibig ko tapos hindi ko pa rin pala sya masosolo. Bwisit talaga oh.

“Tara.” Sabi ni Rikko at pumagitan sa aming dalawa ni Jin. “Doon muna tayo sa Culinary club. Tingnan natin kung anong ginawa nila.” Masiglang sabi ni Rikko sa kanan ko.

“Ui Tol. Tingin mo may alak doon sa culinary Club?” tanong naman ni Mike sa kaliwa ko.

“Di ko alam. Ay teka, ML..” sabi ko at umalis sa pagitan nila hinikit ko na rin si Jin kaya naman silang dalawa na ang nasa unahan naming lahat. “OH! Basketball Team yung prinaktise natin  noong linggo!!” sigaw ko.

“OH~ Rikko Mike! Rikko Mike!! Bagay na bagay talaga!!

Silang dalawa ay may pagtingin sa isa’t isa!

GO RiMi!!!!!!”

Namula naman yung mukha noong dalawa tapos nagkatinginan. Nagngitian kami ni Jin tapos nagtatakbo.

“Takbo na mga bata Bago pa kayo mapatay ng RiMI!!! Bilisan nyo!!!” sigaw ko at hinikit ko si Jin papunta sa room ng cuinary arts.

Noong makapasok kaming dalawa sa loob agad kaming pinosasan. Sya sa kanang braso ako sa kaliwa.

“Ano ito?!” tanong ko sa kanila pero nginitian lang ako ng mga babaeng ito.

Pumasok pa kami sa loob at doon ko nakita ang mga nakalagay sa pader at kisami ng room.

“Lime umalis na tayo!” sigaw ni Jin at hinikit ako papunta sa labasan pero agad kaming naharangan ng mga lalaki ng culinary club.

“Hindi ba culinary club kayo?!! Kaya bakit close up forever after ang theme nyo?!! Bakit may kissing scene!!!!” sigaw ko sa kanila. Inilagay ko sa likod ko si Jin. Kapag nagsapakan tumba itong mga ito sa akin pangako!

“Nakakainis naman na laging yan ang naiisip ng mga tao sa amin. Hindi ba kaming pwedeng mag-iba ng gagawin kasi hindi lang naman pagluluto ang kaya naming gawin?” mataray na sabi ni Vonica. Babae yan, kikay pero mataas ang tingin sa sarili at lalong walang pakialam sa posisyon ng mga nakapalibot sa kanya. Hindi pa nga nya nakikilala ang tinatawag nilang master Frost. Pero ako kilala nila dahil sa pangyayari sa canteen noong nakaraan.

Ang Pagiging LalakiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon