Sa pagkamatay ng asawa ni Don Philip.... isinantabi niya muna ang mga nalaman nya sa asawa na tungkol sa mag-ina nito dahil aayusin niya muna ang lahat-lahat bago siya uuwi sa Pilipinas para ito mismo ang mangasiwa sa paghahanap sa mag-ina niya... at kailangan din magbabang luksa ni Don Philip para sa namayapang asawa nito...."Sana mahanap na kayo mahal ko... at ang ating anak.... mahal na mahal ko kayo." sa isip ni Don Philip habang hawak ang mga larawan ng batang lalaki na nasa edad lima na kupasin na at ang larawan ay kuha pa noong 1990.
"Kahit kailan hindi ka naalis sa puso ko mahal ko, patawarin mo ako dahil naniwala ako sa mga sinabi ni Claudia tungkol sayo, kaya hindi na kita hinanap noon huhuhu." iyak ni Don Philip habang nakatingin sa mga larawang hawak nito.
"Pagbalik ko dyan sa Pilipinas lahat gagawin ko para magkakasama na tayo, kahit halughugin ko ang buong Pilipinas gagawin ko, pangako yan anak at mahal ko." sa isip ni Don Philip.
Samantala.... sa paglipas ng mga araw, lagi ng nakakausap ni Diane si Steven at dahil dito mas lumalim pa ang kanilang pagkakakilala sa isa't isa... at isang araw magkasama silang namamasyal sa may sapa na malapit sa mansion ng mga Villasis, ang kanilang tagpuan at lagi silang naglalagi sa ilalim ng malaking puno ng mangga...
"Diane."
"Steven" sabay na tawag nila sa isa't isa. na kinangiti nilang pareho.
"Ikaw muna Diane..... sabi nga nila Ladies First." wika ni Steven sa kanya.
"Ikaw na kung gusto mong mauna." saad naman ni Diane na pinagbigyan naman ni Steven.
"Mmmm.... Diane, may itatanong sana ako sayo? A-alam kung magkalayo ang agwat ng buhay natin pero magsusumikap ako para sa iyo at syempre para narin sa nanay ko.... makakapagtapos na ako this year at maghahanap ng magandang trabaho para alam mo na." paunang pahayag ni Steven kay Diane na nakikinig lang sa mga sinasabi nito.
"And then?" singit naman ni Diane dito.
"Then .... sana kapag nakaipon na ako pwede ba akong..... pwede ba akong manligaw sayo, pwede ba akong maging boy friend mo?" tanong ni Steven kay Diane sabay kamot sa ulo nito.
"Steven what do you mean?" naguguluhang tanong ni Diane pero ang puso nya ay bumilis ang pintig nito na nagsasabing parehas lang sila ng nararamdaman ng binata.
"Diane, mahal na kita noon pa man kaya ako nagsusumikap na makatapos sa pag-aaral ay dahil sa inyo ng nanay ko, para naman kahit papaano kapag nakapagtapos na ako at may maganda ng trabaho pepwede narin maging tayo.... I LOVE YOU DIANE." pagtatapat ni Steven sa dalaga na kinaiyak ng huli... at nagtataka naman si Steven kung bakit umiiyak ito.....
"Diane, bakit ka umiiyak? ayaw mo ba yung mga sinabi ko sayo, sorry hindi ko lang kasi mapigilan ang puso ko na mahalin ka at magtapat sayo, pinilit kung huwag ikaw ang mahalin ko dahil hindi tayo magkalevel ng estado sa buhay, pero ang kulit ng puso ko, ikaw parin ang tinitibok nito..." mahabang paliwanag ni Steven dito na agad yumakap si Diane dito at...
"Promise me Steven ako lang mamahalin mo habang buhay, at hindi mo ako iiwan at sasaktan?" pahayag ni Diane habang nakayakap at patuloy ang pagdaloy ng luha nito.
"Diane, kahit hindi mo sabihin sa akin iyan....... iyon at iyan parin ang gagawin ko dahil MAHAL NA MAHAL NA MAHAL kita." wika pa ni Steven kay Diane sabay hawak sa magkabilang balikat ni Diane at...
"Diane?" tanong ni Steven
"Yes, Steven MAHAL NA MAHAL NA MAHAL din kita, since noong una kitang makitang inihatid mo ang nanay mo sa bahay namin, doon palang nakuha mo na ang puso ko." pagtatapat din ni Diane kay Steven na siyang kinahiyaw ni Steven sabay yakap kay Diane.