Hi! I'm Jewel Dela Cuz, 15 years old, 4th year highschool. Sabi nila maganda raw ako pero kung maganda ako eh bakit parang hindi ako nag e-exist sa paningin niya? Oh well wala namang nakapagtataka dun sikat kasi siya at simpleng estudyante lang ako.
"Oy Jewel nandyan ka lang pala kanina pa kita hinahanap ah" sabi ni Gail na medyo hinihingal pa. Si Gail siya nga pala ang bestfriend ko, partners in crime kami niyan. Bwahahaha! >:)
"Oo nandito lang ako, bakit san ka ba galing?"
"Wala dyan dyan lang, nakita ko nga pala yung crush mo look oh" sabay turo sa kabilang direksyon.
Pag-angat ko ng tingin ko, nakita ko siya na nakatingin sa akin. Nagkatitigan kami ng ilang segundo bago niya ibinalik ang atensyon sa babaeng kasama niya na ngayon ko lng nakita . Transferee ata? Ewan >.<
By the way, siya nga pala si Renz Navarro, gwapo, matalino, matangkad at gentleman kaya nga siguro siya naging hearthrob sa school eh. Pero hanggang crush ko lang siya, eh ni hindi nga ata ako kilala niyan.
Nakita kong pa-alis na sila nung kasama niyang girl. Napa buntong-hininga na lng ako. Mukhang close na close kasi sila samantalang bago palang yung babaeng yun dito, eh ako?
"Oh siya tara na at baka malate pa tayo sa next subject natin at baka makain tayo ng buhay ni zombie" pagbibiro pa ni Gail.
_
Naglalakad ako sa may corridor ng may mabangga ako.
"Ooops! Sorry!" medyo nagulat pa ko pag harap ko. Si Renz pala.
" Ah sige okay lang" ngumiti pa siya bago umalis.
*sighs* ganun naman lagi eh pag magkakabungguan kami titig lang sya. Swerte ko lang pag nginigitian niya ako kapag nakakasalubong ko siya.
_
Nandito ako ngayon library, mag-isa akong nakaupo habang nagbabasa ng libro.
"Hi! I'm Kriselle" pagpapakilala niya medyo namumukaan ko pa siya. Siya yung babaeng laging kasama ni Renz these past few days.
"Hi din! i'm Jewel" naiilang na sabi ko kasabay ng isang pilit na ngiti. Ang ganda kasi niya, mukha siyang model at mabait pa kaya siguro siya nagustuhan ni Renz. Nalungkot naman ako para sa sarili ko pero syempre di ko pinahalata.
"I know madalas ka kasing ikwento sakin ni Renz. Minsan nga, I want to get jealous but you look kind naman kaya ok lang" sabi niya sakin ng nakangiti.
Nagulat naman ako sa sinabi niya. Ako ikinukwento sa kanya ni Renz? Pano nangyari yun?
Sasagot pa lang sana ako ng biglang dumating si Renz na medyo hinihingal pa.
"Krissy there you are, halika na " sabay hila niya kay krissy na hindi man lang ako tiningnan.
RENZ POV
"Ano nanamang sinabi mo sa kanya?"
"Insan, masyado kang mabilis wala tuloy akong nasabi! Hahahaha!"
You heard it right, pinsan ko nga ang babaeng to -_-
"Bakit ba kasi hindi ka na lang umamin? ikaw na nga tong tinutulungan, ikaw pa tong galit" pagtatampo ni krissy.
"Basta, ako ng bahala" sabi ko naman sa makulit na babaeng to.
JEWEL'S POV
Tapos na yung klase namin, nandito kami ni Anne sa bleachers.
"Oh ano sigurado ka na bang hindi mo na crush yun?"
"Oo nga" maikling sagot ko . Nag-promise na ko sa sarili ko mag mo-move na talaga ako.
Maya-maya pa ay may narinig na lang akong kumakanta sa harap ko.
-
-
-
Si RENZ?
Kumakanta siya ng sa Isang sulyap mo. Grabe ang ganda ng boses niya, nakakainlove ♥_♥
OH GHADDD! Did i just say na nakakainlove? No erase, erase ayoko na talaga T__T
Hanggang sa natapos na yung kanta ng bigla siyang nagsalita habang nakakatitig pa rin sakin.
"Ang kantang yon ay para sa babaeng matagal ko ng minamahal ng palihim. Una ko palang siyang nakita ay may kakaibang nararamdaman na ko sa kanya pero syempre nung una indenial pa ko na crush ko lang siya pero wala tlaga eh. Feeling ko affected na talaga ako sayo! Hahahaha! Dinaan ko na lang sa tingin, tinititigan kita kapag hindi ka nakatingin! Ilang beses na rin kitang gustong lapitan kaya lang, lagi akong inaatake ng katorpehan. Pero ngayon inipon ko na lahat ng lakas na loob na meron ako para masabi sayo yung nararamdaman ko"
Nakatitig lang siya sakin habang sinasabi nya yung linya niya. Feeling ko tuloy matutunaw na ko sa sobrang titig niya.
"Miss Jewel Dela Cruz mahal kita, mahal na mahal"
Parang gusto ng sumabog ng puso ko sa sobrang saya kaya di ko namalayan na nakatulala lang pala ako sa kanya.
"Jewel" tawag niya na medyo nag-aalala sa pag katulala ko. Medyo nahimasmasan naman ako nung narinig ko ang boses niya.
Pero may bigla akong naalala.
"Eh pano na si krissy?" malungkot at nagtataka kong tanong.
"Hahahaha! Si krissy ba? Pinsan ko yun eh! So ano?"
"Salamat Renz! Salamat!" sabay yakap ko sa kanya.
"Ayieeeee!" sigawan ng mga ka schoolmates namin pero wala muna akong pakialam basta nasa akin na pinaka mamahal kong lalaki.
***END
