"Ang gandang pagmasdan ang dalawang batang ito na puno ng pagmamahal ang kanilang mga mata at ang kanilang mga puso ay iisa, pero may nagbabadyang panganib sa kanilang pag-iibigan." saad ng taong yun na nakakubli sa isang malagong halaman malapit sa kinarorounan nila Steven at Diane."Mahal ko, anong gagawin natin? ipapahayag na daw ni papa ang nalalapit na pagpapakasal namin ni Xander Moran? ayaw kung mangyari yun ikaw ang mahal ko." pahayag ni Diane kay Steven na nagsisimula na namang magbagsakan ang mga luha ni Diane.
"Shhhhh... tama na mahal ko, gagawa ako ng paraan para hindi matuloy ang engagement party nyo ng Moran na iyan, magtiwala kalang sa akin mahal ko." pagpapakalma ni Steven kay Diane.
"Steven, mamamatay muna ako bago nila ako maipapakasal sa Xander na yan." pahayag ni Diane na kinatingin ni Steven sa kanya.
"Diane mahal ko, iyan ang huwag na huwag mong gagawin at sasabihin... gagawa ako ng paraan, kailan ba ang engagement party nyo?" tanong ni Steven kay Daine.
"3 weeks from now mahal ko." sagot ni Diane kay Steven sabay yakap dito.
"Ganito mahal ko, sa araw ng engagement party mo magkita tayo dito rin, at may pupuntahan tayo." saad ni Steven kay Diane na may nabuo na syang plano para sa kanila.
"Bahala na, gagawin ko to para sa amin ni Diane, walang sinuman ang makakapaghiwalay sa amin, kahit kamatayan man." sa isip ni Steven.
Samantala, dahil sa nasasaksihan at naririnig ng taong nakatago sa likod ng malagong halaman ay di nya napigilan ang pagtulo ng luha nito para sa dalawang taong nagmamahalan...
"Iho, sana kung alam mo lang ang totoo, hindi nyo na kailangang magtago para lang makita nyo ang isa't isa." sa loob ng taong ito.
"Kung kaya ko lang sabihin sayo ang lahat lahat, pero ginagalang ko ang pasya ng nanay mo." naisaloob pa ng taong ito at ito'y umalis na dahil di nya kayang makita na nasasaktan ang mga to.
Sa paglipas ng oras ay nagpaalam na sila sa isa't isa, at umuwi na si Diane sa mansion at si Steven naman ay dumiretso sa bahay ng best friend niya na si Danilo Ricardo Guzman o mas kilalang Danrick, ito ang kababata ni Steven, sabay silang lumaki at iisang paaralan ang kanilang pinasukan mula Kinder grade hanggang ngayong nasa kolehiyo na sila ay magkasama pa rin sila... may kaya sa buhay ang pamilya ni Danrick, isang judge ang papa nito sa Manila, pero sadyang mabait ang pamilya nito...
Pagkarating ni Steven sa bahay ng mga Guzman ay nagdoor bell ito....
"Dingdomg! dingdong!" tunog ng door bell na siya namang lapit ni Danrick para buksan ang gate nila.
"Oh, pare ang aga mo atang mamasyal dito ah?" tanong ni Danrick kay Steven.
"Pare, I need your help?" tarantang saad ni Steven kay Danrick na kinabigla ng huli.
"For what pare!? Kung kaya kung gawin...... gagawin ko." saad ng kaibigan ni Steven ng..... "Wait pare don't tell me......... si Diane na naman ang problema mo? Pare kung ako sayo huwag na sya ang mahalin mo, kilala mo si Don Gostavo, oo mabait si Donya Emma pero pare kabaliktaran ni Don Gostavo ang asawa nya pare." pagbibigay paalala ni Danrick sa kaibigan.
"Alam ko yun pare, pero kahit anong gawin ko hindi ko maturuan ang puso ko, na huwag si Diane, kung sinisikil ko naman ang puso ko mas lalo namang napapamahal sa akin si Diane." paliwanag naman ni Steven kay Danrick.
"Sooo... Ano ang maitutulong ko sayo pare?" tanong ni Danrick kay Steven.
"Pare, please..... sabihin mo naman sa papa mo na ikasal kami ni Diane sa lalong madaling panahon." pakiusap ni Steven sa kaibigan nito na kinabigla ni Danrick