Magandang gabi ☺ Ang ibang scene po ay hindi updated sa mga uso ngayon sa Pinas. Since ang mga unang kabata po ay 6 years ago pa. Sana po ay magustuhan ninyo.😃
6 years ago....
"Wag ka sana malulungkot Lee sa ibabalita ko.", may bahid na lungkot sa tono nito.
Ngumiti ang dalaga. "Alam ko na po yan Ma."
Hindi napigilan ni Crizel ang mapa buntong hininga. "Umatras ang magiging donor mo sana."
"Ma, ayos lang po iyon. Alam ko naman po na mahirap talaga makahanap ng donor. Wag na po kayong malungkot ma."
Napahikbi ang Ina. " Wag kang mag alala anak, hahanap pa kami ng donor. At ang sabi naman ni Doc, babalitaan daw niya kami ng Papa mo pag meron ng gustong mag donate."
"Ma ayos lang ako. Wag ka ng mag-alala sa akin. Ang tagal ko ng ganito ang sitwasyon, pero hindi naman ako nag rereklamo , di ba ma? "
" Oo anak. Kung pwede nga lang na ako na lang ang mag reklamo para sayo." , natatawang ani ni Crizel.
Napatawa ang dalaga sa narinig. "Adik ka ma. Ikaw na mag adjust para sakin.", pagbibiro niya.
Hinawakan ni Crizel ang palad ng anak. "Wag kang mag-alala anak, makakita ka din, wag ka lang atat ha? Ohh sige na. Magluluto na muna ako ng agahan niyo." , tumayo na ito at hinagkan sa ulo si Lee.
Nang tuluyang lumabas ng silid ang kanyang nanay ay napangiti siya.
Masiyahin ang kanilang pamilya. Kaya kahit papaano, napapawi nito ang lungkot niya.
Onse anyos palang siya ng nawalan ng paningin, ngayon ay dise syete na ang dalaga. Papunta sila ng Baguio kasama ang Mama at Papa niya at ang kanyang bunsong kapatid nang mangyari ang isang aksidente.
Nang magising ang dalaga, wala na siyang paningin.
Oo. Nabulag siya.
Sa anim taon niyang pag kakabulag, halos nasanay na siya. Nakakapag timpla ng gatas, nakakapag simba ng mag isa, marunong na din si Jenesse na mag luto ng adobo, sinigang, tinola at iba pang lutong-bahay na putahe.
Kaya niya na rin gumamit ng kutsilyo.
Halos lahat ng gawaing bahay ay kaya na ng dalaga gawin magisa.
Simula ng mabulag ang dalaga, hindi ito nagmukmok sa isang tabi. Mas minabuti nito na matutuhan ang mga gawaing bahay upang hindi siya mainip.
Dahil itinatak ni Jenesse sa kanyang isipan ang katagang : " I want to see and feel everything though I can see nothing. "
Siya si Jenesse Lee Castro.
Tatlo lamang silang mag kakapatid, siya ang pangalawa. Simula ng mawalan siyang paningin ,minabuti ng Ina na iwanan ang pagiging lawyer nito, upang mag alaga na lang sa kanya. Ang kanya namang tatay ay ang namamalakad sa kanilang resort.
Dahil sa malayo ang lokasyon ng kanilang negosyo, minabuti ng magasawa na iwanan na lang ang kanilang sariling bahay sa syudad at ngayon sa resort na mismo sila nananatili.
Ipinagbili ng magasawa ang kanilang sariling bahay upang matustusan ang mga pangangailangan at ang operasyon sa mata ng anak para hindi na ma apektuhan ang kanilang negosyo. Ngunit huli na ng sabihin ng doktor na imposibleng maibalik pa ang paningin ni Jenesse kung walang donor.
Ngunit wala pang nag lakas loob na mag donate ng mata sa kanya. Swertihan na lang kung baga.
Sobrang saya ni Jenesse ng siya ay nasa labing anim na taon nang malaman na meron na daw na mag dodonate sa kanya ng mata. Ngunit sa hindi sinasadyang pagkakataon, narinig niya ang kanyang mama at papa na naguusap sa isang silid, at si Crizel pala ang mag dodonate, nagalit siya sa narinig, at dahil doon, siya ay tumutol.
BINABASA MO ANG
A Twist of Sight and Memory [On Going]
RomanceSi Jenesse Lee Castro. Isang 23 years old na babae na nawalan ng paningin nang halos anim na taon. Nakilala si Xyki Montevalle sa kanyang teenage life, isang pasaway na anak ng isang sikat at makapangyarihan na pamilya sa bansa. Marunong mag joke an...