Someday

277 7 0
                                    

Maddie's POV

Hay nako nandito nanaman yung mga teammates kong magugulo. Andito ako ngayon sa Dorm at mukhang nag-aaway nanamn sila Deanna at Bea😣

"Ate Madss!! Si ate Bea oh kinukulit nanaman ako" sabi ni Deanna

"Beeaa!! Tigilan mo na nga yang si Deanna kung ayaw mong masapak jan" sabi ko

Lumapit saakin si Deanna at binelatan si Bea.

"Hey easy there Mads. Kinukuha ko lang naman ung Earpods ko kay Deanna eh pero ayaw niyang ibigay" pagtanggol ni Bea sa sarili niya

Nilapitan ko siya at yumakap "Its okay Bei huwag mo nang patulan bata pa yan eh" bulong ko tapos sabay halik sa pisngi niya.😘
Agad naman itong namula na ikinatawa ko hihi ang cute niya kasi.

Nagising nalang ako bigla. Weew bakit ganun naman ung panaginip ko haaaysst. Huminga muna ako ng malalim bago ko gawin ang mga dapat kong gawin. Actually paulit ulit lang naman routine ko eh training-aral-kain-training-tulog.

Hindi niyo natatanong pero I am an Student-Athlete at isa akong Volleyball player in Ateneo: Middle blocker 3rd year

Nandito kami ngayon sa BEG and were having our warm-up. Agad kong hinila si Deanna para maging partner ko pero naunahan na ako

"Sorry Ate Mads akin si Deanna"sabi ni Ponggay 

Haysst nilibot ko ang paligid kung sino pa ang walang partner nang......

"Wala  ka pa bang partner?"hearing her voice alam ko na kung sino yun at walang iba kung di si Bea De Leon

"Well obvious ba?"pagtataray ko sakanya hehe

"Sungit naman neto. Lika na and Let's start running"sabi niya sabay hila sa kamay ko

Hindi ko alam pero kinilig ako nung hinawakan ni Bea ung kamay ko. Hay nako Madeleine patay ka na!

Actually aamainin ko na sa inyo may gusto ako kay Bea pero mukhang wala na akong pag-asa kasi may Jho na siya.😢

After ng bakbakang training kinuha ko na ung gatorade ko sa bench at ininom. Nagulat naman ako dahil tumabi saakin si Bea.

"Grabe kapagod"sabi niya and I just nodded nakakapagtaka kasi ngayon lang ulit naging malapit saakin si Bea.

This past few weeks kasi nararamdaman ko na iniiwasan na niya ako. I know its my fault kasi naman di ko man lang pinigilan sarili ko. Haaysst ganun talaga pag-inlove.

"Ate Mads!!"tawag saakin ni Deanna
I am currently walking papunta sa dorm.

"Ano nanaman bang sinisigaw sigaw mo jan?"tanong ko

"Sama ka saamin nila Ponggay and Jules for dinner. Na cra-crave kasi ako ng Ramen eh"sabi niya

Ginulo ko naman ung buhok niya dahil may papuppy eyes pa siyang nalalaman.

"Oo na samahan mo muna ako sa dorm at ilalagay ko lang itong mga gamit ko"sabi ko

At the Resto.......

"Ate Mads alam mo ba may nakita ako kanina sa phone ni Deanna." Sumbong ni Jules saakin

"Uy, did u use my phone ng di nagpapaalam?"tanong niya kay Jules

"Who's that J ah?"Jules said

"Deans lumalablife ka na diyan ah"pang-aasar pa ni Ponggay

"Hay nako tama na yang harutan niyo pinaghihintay niyo ang pagkain eh"sabi ko at natawa nalang sila

Habang kumakain kami medyo natahimik sila

"Ang seryoso ah?"pagbasag ko sa katahimikan di ako sanay eh😊

BeaDdie OneShotsWhere stories live. Discover now