Too Young For Love?

17 0 0
                                    

I'm a loner, they call me a nerd, a freak, ugly, fake. Hindi nila alam kung sino ako. But they still call me names. I was so hurt. For them, it was funny. But for me, it was an unbearable pain. Hanggang isang araw, nakita kita. Ikaw rin, sinaktan mo ako emotionally. You called me a witch dahil sa frizzy hair ko. Sa lahat ng nang-insulto sa akin, sa lahat ng salitang binitawan sakin, dun ako pinaka-nasaktan. Hindi dahil sinabi mong witch ako dahil frizzy ang hair ko, kundi dahil sayo nanggaling yun.

Alam mo, dahil dun? Na-motivate ako. Nag-karoon ako ng lakas para mag-paganda. Hindi para sayo kundi para sa sarili ko. At yun na nga, poof, parang magic kasi lahat ng mata, sakin na nakatingin, lahat ng attention sakin na nakalagay. Nung una pa nga, naiilang ako kasi hindi naman ganun dati, invisible ako dati. Kung mapansin man ako nun, dahil yun sa itsura ko.

Dati sinasabi nila, "Woooy the nerd is coming get out of the way! Mahahawa tayo!". Ngayon naman, "Wow. You get more beautiful everyday! Make way for the princess". Syempre naging masaya ako dahil sa mga puri nila. Di na kita napansin, kung dati lagi akong nakatitig sayo ngayon hindi na. Parang hindi na nga kita nakikita.

Sobrang famous ko nun sa campus, ang daming babae na nagalit sakin. Sila yung mga sikat, noong mga panahon na talunan pa ako. Sabi nila, inaagaw ko daw ang trono nila, yung korona nila. Ede ako, sumagot ako. Iniinsulto ako eh. Yan tuloy, nabugbog ako. Sinampal, sinuntok, sinipa, sinabunutan. Ang sakit.

Naglakad ako nun pauwi. Medyo pagabi na. Naisipan kong tumambay sa park para mag-isip kung anong palusot ang gagawin ko pag nakita nila Ermats at Erpats ang mga sugat ko. Ang hapdi, di ko mapigilan umiyak. Wala naman akong inagaw eh. Inayos ko lang yung itsura ko na parang gusgusin. Hindi masama yun.

Naramdaman ko yung patak ng ulan. Masyadong senti kaya naisipan kong tumambay nalang sa school gym. Wala nang tao dun panigurado. Kaso nung papunta ako, ayun lumakas kaya tumakbo na ako. Pag pasok ko, wow. Ang hapdi ng mga sugat ko. Badtrip na ulan yan. Umupo ako sa bleachers at humagulgol. Ume-echo na yung iyak ko sa buong gym.

Bigla kang lumapit sakin. Maydala kang suklay, panyo at polbo. Napatingin ako sayo at napatanong ng, "Para saan yan?". Tumabi ka sakin tapos sabi mo, "Para sayo. Anong nagyari? Eto oh.". Kinuha ko yung inabot niya. Wala na akong lakas para mag inarte. Nakakahiya itsura ko. "Ah, wala to. Nahulog lang ako sa bangin." sabi ko.

"Teka, may med kit sa bag ko." sabi mo tapos binuksan mo yung bag mo. Napatingin ako sa likod ko. Super manly. Aabutin ko na sana yung med kit mula sayo pero sabi mo, "Ako na gagamot sayo.". Hindi nalang ako tumanggi. Sana, pati yung sakit na nararamdaman ko sa puso ko, gamutin mo din.

Nagdadalawang isip ako kung hahayaan ko bang mahulog ako sayo ulit o wag nalang. Ang bata mo pa kasi eh. 1st year ka. 3rd year na ako. 16 years old ka. 19 years old na ako. Ang alangan diba? Ayoko namang maging Pedo-Noona. You're Too Young For Me. Sabi ko hindi ako papatol sa mas bata, dun ako sa mas matanda kesa sakin. Pero nain love parin ako sayo kahit wala ka namang ginagawang special para sakin. Ang tanga no?

Pero ngayon, nandito ka sa harap ko. Ginagamot yung mga galos at sugat ko. Ang lakas ng tibok ng puso ko. "Ayan ayos na. Magsuklay ka. Mukha kang witch. Hahaha." sabi mo. Yan nanaman yung witch na yan eh. Dali dali akong nagsuklay at nagayos ng mukha. Pinunasan ko yung mga luha ko. Naglagay ako ng konting polbo sa mukha.

"Ayan ang ganda mo na ulit." sabi mo, sabay titig sa maga mata ko. "Sino ba gumawa nyan sayo? Sila ate ba?" tanong mo sabay tingin sa harap. Hindi ako sumagot kasi ' oo' ang sagot ko. Silence means yes diba? Hay, ewan ko ba sa ate mo. Ginawang punching bag mukha ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 05, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

You're Too Young For Me [One Shot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon