Tumawa siya sa naging reaksyon ko. Umayos siya ng tayo nang maisip na hindi ko gagawin ang pinapagawa niya. Sa halip ay hinila niya ko palapit sa kanya at hinalikan ang aking noo. Pagkatapos non ay luminga-linga ako sa paligid ko, mukha namang walang nakakita sa ginawa niya.
"Sige na. Pasok kana."
Hindi ako makapag-concentrate sa klase ko dahil sa ginawang paghalik sa akin ni Jhelo. Sa noo lang yun pero, kinikilig ako! OHMY! Kinilig ako sa ginawa niya!
Kasabay kong naglalakad sina Tinay at Nix palabas ng School. Alas-kwatro dapat ang uwian kaso ay inabot kami ng hanggang alas-singko dahil sa group meeting namin sa isang subject.
Kinuha ko ang phone ko sa bulsa ng palda ko, chineck ko kung mayron bang message dun si Jhelo. Nadismaya ako ng makitang wala man lang siyang text sa akin.
"Uy, Guys! Uuwi na kayo?" Tanong sa amin ni Ally.
"Oo. Obvious ba?" Sagot ni Tinay. Siniko ko si Tinay dahil sa sarcastic niyang pagsagot.
"Sungit mo. Hmp!" Inirapan lang siya ni Tinay at bumaling si Ally sa akin.
"Hindi kayo magkikita-kita nina Jhelo, Kayth?"
"Hindi ko alam e. Bakit?" Ni hindi nya nga ako naalalang i-text eh!
"Wala lang. Nam-miss ko na kasi siya eh." Ako din eh. Miss ko na siya! Err.
"Jhelo!" Sigaw ni Nix. Nakuha non ang atensyon ko. Pati na din ni Ally. Tss.
Nasa tindahan sila ni Aling Lumeng. Kasama niya si Arjay na mukhang may lakad. Nginitian ako ni Jhelo, nakatingin lang siya sa akin.
"Uy, Jhelo. Buti nakita ka namin." Sabi ni Ally na ngayon ay dumikit sa kanya. Nabbwisit ako!
"May hinihintay kasi ako." Lumapit siya sa akin at kinuha ang bag ko. Nakita ko ang pagkalaglag ng panga ni Ally.
"Aalis ka, Kuya Arjay?" Tanong ni Tinay sa kanya.
"Oo, babalik na ako sa seminaryo. Tinapos ko lang talaga ang Coronation ni Mary."
"Ahh, ganun ba. Osige, mag-iingat ka dun ahh? Ipagdasal mo na lang kami. Lalo na yung kaluluwa ni Ally." Nagtawanan kaming lahat sa sinabi ni Tinay. Nakasimangot nman si Ally. Nagpaalam na si Arjay samin at sinabing magpakabait daw kami.
"Jhelo, kayo na ba ni Kayth? Bakit ikaw nagdadala ng bag niya?" Minsan talaga masarap pasabugan 'tong si Ally. Pero, kami nga ba? Nanliligaw na ba siya? Naghihintay din ako sa sagot niya. Pati sina Nix ay tahimik lang at mukhang nag-aabang din ng sagot mula kay Jhelo.
"Ano ka ba, Ally. Hindi no." Tinignan niya ako atsaka ngumiti. Letse yang ngiting yan! Hindi pa tayo pero hinalikan mo na ako! Nagholding hands na tayo! Okay. Ang OA ko. Parang sinaksak ng matulis na lapis ang puso ko. Hindi niya nga ako girlfriend pero bakit ganon? Na-disappoint ako sa sinagot niya. Pwede naman kasing "Hindi pa, Ally." o kaya naman ay "Nililigawan ko pa." para naman atleast malinaw sakin kung ano kami! Diba?!
Hindi ako kumibo 'nun hangang sa makauwi ako sa amin. Umakyat agad ako sa kwarto ko at hindi na nagpaalam sa kanya.
Pagkapasok ko ng kwarto ay hinagis ko sa kama ang bag ko. "Letse ka! Dinaan-daan mo 'ko sa matatamis mong salita! Wala ka naman palang balak na ligawan ako! Pinapaasa mo ako sa wala! Letse! Letse!" Naramdaman kong may yumakap mula sa likuran ko. Gosh! Nakalimutan ko i-lock ang pinto!
"I'm sorry. Sorry kung hanggang ganito pa lang ang nagagawa ko. Sorry kung akala mo ay binibigyan kita ng false hopes. Pero hindi. Pinapangako ko, liligawan kita. Liligawan kita pag dito na ako ulit nakatira. Gusto ko pormal ang panliligaw ko sayo. Ayokong sa text lang kita liligawan habang nasa Maynila ako. Kulang ang isang buwan para ligawan ka. Kulang na kulang yun para maiparamdam ko sayo kung gaano ka ka-espesyal sa akin. Sorry, September. Sorry. Please, wag ka na magalit." Ramdam ko ang mainit na paghingi niya sa may leeg ko. Bigla akong nakonsensya sa mga pinagsasabi ko tungkol sa kanya. Hinawakan niya ang braso ko at hinarap sa kanya.