/Jullianne/
I'm here sitting inside these freaking car at pinupunasan ang mga luhang kanina pa tumutulo. Hindi naman ako iiyak ng ganito kung hindi dahil sa walang hiyang boyfriend ko, i mean ex boyfriend pala.
Flashback..
Nandito ako ngayon nakaupo sa loob ng isang korean restaurant at hinihintay ang aking boyfriend na si Travis. Kinakabahan na ako sa mangyayari.
" Ma'am may i take your order?" Sabi ng isang babaeng waiter. Naka apat na balik na to ah hindi ba to nagsasawa?
" Ahmm may hinihintay lang ako parating narin yun." Nakangiting sabi ko. Nag bow naman siya sakin at umalis na. Muli akong tumingin sa wrist watch ko para tingnan ang oras
Its 9:30 in the evening pero hindi parin siya dumadating, mag-iisang oras na ko dito.
Tiningnan ko ang cellphone ko pero kahit isang text o tawag wala man lang akong natanggap galing sa kanya.
Inis kong inilapag ang cellphone ko sa lamesa at tumingin sa may pintuan.Nahagip ng maganda kong mata ang isang pamilyar na tao na papalabas ng restaurant na to, dahil sobrang curious ko nilapitan ko ang pamilyar na lalaki.
Hinawakan ko ang balikat ng lalaki at iniharap sa akin.
Hindi nga ako nagkamali! Ang boyfriend ko.
Napatingin naman sakin yung kasama niyang babae na hindi naman masyadong kagandahan. Inirapan ko lang ito at ibinaling ang aking atensyon kay Travis.
" Babe?! What are you doing here?!" Gulat na tanong niya saakin at hinawakan ang kamay ko. Inalis ko naman agad ang pag kakahawak niya na siyang ikinagulat niya.
" Ikaw Anong ginagawa mo dito?" Balik na tanong ko sa kanya. Mukhang nahihirapan siyang mag-isip ng idadahilan.
" Obvious ba? Nag de-date kami, kaya umalis kana diyan sa daraanan namin para makaalis na kami dito." Mataray na sabi ng babaeng impakta na kasama niya.
" Amy ano ba.." Rinig kong saway ni Travis sa babaeng impakta na amy pala ang pangalan. Tinaasan ko ng kilay si Travis na ngayon ay hindi makapag salita.
" Babe let me explain.." nag mamakaawang saad ni Travis at hinawakan ang dalawang kamay ko.
Inis akong bumitaw sa pagkakahawak niya saakin at sinampal siyang malakas.Wala akong pakialam kung pinagtitinginan na kami ng mga tao dito sa loob ng restau.
Nag-iinit na ang gilid ng aking mga mata at gusto ng tumulo nang mga luha ko pero pinigilan ko lang." How dare you?!" Inis na sigaw sakin ni amy at akmang sasampalin ako Pero agad kong nahawakan ang kamay niya kaya napigilan ko siya.
" Subukan mong idapo yang madumi mong kamay sa maganda at makinis kong mukha, manghihiram ka ng mukha sa aso! " inis kong binitawan ang kamay niya at mukhang natakot siya kaya nanahimik nalang sa isang tabi. Muli akong humarap kay Travis na ngayo'y nakayuko na sa hiya.
" And you! " Duro ko sa kanya at pinunasan yung luhang tumulo sa mata ko. Bago magsalitang muli.
" We're over. " Malakas na sabi ko na siyang ikinalaki ng mata niya.
Tumalikod na ko sa kanila para hindi nila nakita ang pagtulo ng mga luha ko. Pinunasan ko muna ang mga luhang tumulo sa mata ko bago tuluyang lumabas ng resto.
Agad akong sumakay sa isang sasakyan. Hindi ko alam kung taxi bato hindi ko na napansin dahil nanlalabo ang paningin ko dahil sa luha.
" Kuya Sa Pleasure nga. " Sabi ko habang kinakalkal ang bag ko.
YOU ARE READING
One Night, One Love
RomanceA night that she don't remember, A night that they both felt the spark, A night that change their lives forever.