C24 "Neuropsychiatry"

5.8K 1K 91
                                    

RID2#CHAPTER
NEUROPSYCHIATRY

I was busy with my computer nang marinig ko ang boses ni Selena.

"Gav, I think this is the power room, I am not sure though hahahaha" halakhak nito at binuksan ang pintuan.

Sa tingin ko ay inililibot niya ito sa kumpanya.

"Oh Rikky is here" I heard her say kaya napilitan akong lingunin sila.

"Rikky, power room ito right?" She asked.

I just nodded at ibinalik ang tingin ko sa computer.

"What are you doing? How can you understand those?" Turo niya sa madaming dialogue box sa screen ko.

I sighed. Ayaw ko sanang magsalita but she is still my boss.

"They are just sequences. And yeah not all people understand what I am doing, mahirap din po kasi i-explain"

Tumango tango siya pagkatapos ay may narinig kaming alarm sa ere.

Sabay-sabay na nagtayuan ang mga technicians.

"What's happening?" Medyo tarantang sabi niya.

"It's lunch break" sambit ko at inayos narin ang mga gamit ko.

Nakikita ko si Gavin na nagmamasid lang sa amin. Hindi ko alam kung ano ang trip at status nila ni Selena ngayon, but then wala na akong paki. Kung magkakatuluyan sila eh mabait naman si Selena--I think. Titi will be fine.

"How about you join us for lunch?" Selena suggested. Bakit ba kanina pa nito ako inaayang samahan sila?

I looked at my watch. "May appointment ho akong iba eh kaya ako magha-halfday, next time nalang po siguro"

"Ay sayang naman, is it a lunch appointment somewhere? Maybe Gavin and I could join you, wala kasi akong alam na masarap na kainan dito"

Juskolords hindi ba niya nare-realize na ayaw ko nga silang makasama?

"H-hindi siya lunch appointment" Iling ko pa para tigilan niya na ako. I do not want to lie kaya sana lang tigilan na niya ako sa kakausisa.

"Gav, why don't you invite her out with us, nahihiya lang yatang sumama sa atin eh" Selena asked Gavin.

Gavin just looked at me and sighed.

"Can you?" Gavin said. Grabeng invitation ha, walang effort. Halatang napipilitan lang naman ito talaga.

"Pasensiya na, hindi talaga ako pwede" I answered.

"She can't, and obviously she doesn't want so just leave her at peace" baling niya kay Selena at saka hinawakan sa siko.

"Mauna na po ako" I told them at iniwan na sila.

"Rikky see you tomorrow" Selena said kaya tumango nalang ako.

As if papasok naman ako bukas! Hindi na uy!

Monday came at talagang hindi ako pumasok ng Sunday sa Alonte Industries. Mainam ng wala akong nakikitang masakit sa mata.

I am a student secretary to the president kaya lagi dapat akong maaga sa opisina para tulungan si Ma'am Janet. Nag-apply akong student secretary since I started college at ngayong taon ay sa President ako na assign pero may rotation din namang nangyayari.

Nang bumalik ako sa pagaaral ay 2nd year na ako dahil nga natapos ko na ang first year bago nahinto sa pag aaral noon. Yun nga lang ay hindi computer course ang inenrol ko. BS Psychology ang kinukuha ko ngayon, na-credit naman ang mga minors ko sa bago kong kurso sa awa ng Diyos. Kung tatanungin niyo ako bakit nag BS PSYCHOLOGY ako eh madali nalang sagutin.

Rolling in the deep 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon