Friends With Benefits

1.2K 23 17
                                    

[Diane's POV]

"Are you seeing THAT man for sometime now?" Bedroom voice mga kapatid..hihi.

"What if I am?" He's holding me on his arms while my finger's playfully tracing the line of his jaw. Under the sheets ang drama.

"Then stop seeing him." His voice was firm, unshaken. Alam kong inis yan pag ganyang makapag-utos. Ilang taon na ba kaming magkakilala?

Siya si Tim, (Timothy Javier) at kasalukuyang nagrereview para sa Bar exams niya. Nakilala ko sya sa trabaho six years ago, sya kasi ang nagfacilitate ng exams nung nag apply ako dito sa company. Junior staff ata sya nun sa HR, since then nagkaroon na ako ng crush sa kanya. Pogi, matangkad, nakaka-mesmerize ang mata niya, at ang ngiti--winner na winner.

Naassign ako sa ibang branch, nalayo ako sa kanya paano sa head office siya.

One time nag site visit ang HR, ewan ko sa trip nila pero that time kasi lahat ng kasamahan ko sa department ay nag out for lunch. Nagbabaon kasi ako ng lunch, anlayo kasi ng tirahan ko dito sa site at di ako masyadong sanay maglalabas baka kung saan saan lang ako makarating.

Dumating ang HR peeps, akala ko lahat sila hindi pala, anim lang ata sila nun? Si Ma'am Loudette, Ma'am Arianne, Ma'am Riz, Sir Chu, Ma'am KC, at sya. Syempre dahil lunch time kumain narin muna sila, si Tim nagpaiwan sa office si di ko malamang kadahilanan, oh kumain na ata sya?

Tahimik lang akong kumakain sa cubicle ko nang--

"Hello..Diane right?"

"Sir Timothy! Gusto niyo po?" Inalok ko pa sa kanya yung baon ko.

"Okay lang.." I continued eating.

"Do you mind if I sit here? Dito nalang kasi sa tapat mo may ilaw.." He pointed at the seat in front of my desk.

"Okay lang po.."

"Wag mo na kong i-po, 22 lang ako or better yet just call me Tim." Then he flashed his smile.

I nodded at him then continued with my thing, may inilabas siyang brochures from different schools.

"Ano yan?" Tanong ko sa kanya.

"Ah, brochures. Gusto ko kasi mag pursue ng Law someday."

"Someday?"

"Yup, medyo nag aalangan pa kasi ako ngayon."

"Bakit naman?"

"Kasi andami ko pang iniisip."

"Then try sorting it out." He gave me a confused look.

"--s-sorry, I didn't mean to--"

"It's okay..maybe you're right after all." He smiled again.

"Okay.."

"Pangarap ko talaga kasing maging lawyer eh.."

"So what's stopping you to achieve your dreams?"

"Priorities?"

"Bakit ano ba pina-prioritize mo ngayon?"

"I really like this job, and baka mawalan ako ng time dito if I start attending Law school."

"Di naman siguro..diba nga a dream doesn't become reality through magic; it takes sweat, determination, and hard work."

"Hinugot mo pa kay Collin Powell." Nganga ako dun ah! paano niya nalaman na kay Collin Powell ko hiniram ang quote na iyon? :|

"--political and military figure, may nabasa kasi akong tungkol sa kanya." He continued. Wow ah, taba ng utak nito!

"--ikaw, bukod dito sa department na ito ano pa gusto mong maachieve?" Bigla syang sumegway sa akin, di ko alam kung paanong sagot ang gagawin ko eh. Mag o-open up ba ako sa kanya, baka naman FC lang pala ako?

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon