Kasalukuyang nag-didinner sina Ella at Renzo sa isang kilala't mamahaling private restaurant sa BGC. But for some unknown reason, hindi malaman ni Ella kung bakit parang hindi niya na-eenjoy ng lubusan ang date nila ng binata.
"Are you enjoying yourself, Ella?" may bakas ng munting pag-aalala sa mukha nito. But he tried to play it cool. "Is there anything else you wanna order?"
Tinanguan lang niya si Renzo bilang sagot sa tanong nito. "Wala naman, okay naman na ako. Masarap ang pagkain nila dito." Pilit ang ngiti sa labing imporma niya rito.
"Where do you want to go after our dinner?"
"Kahit saan. Basta wag sa mga kulay red na building o madidilim na lugar."
"That was a nice way of turning me down tonight." Natawa na lang si Renzo ng makuha nito ang ibig niyang sabihin. "Natatakot ka ba sa akin?"
"Hindi." Nakangiti ngunit may bahid ng pagsusuplada niyang tugon rito. "I'm just telling you straight up na hindi ako kasing daling makuha ng ibang babaeng mga nai-date mo na noon."
Renzo laughed. And she'll admit that he was handsome, alright. And a bit of a playboy base so kung papaano siya kausapin nito and the way he tried to use his charms on her. Alam niyang ganoon ang kilos ng mga playboy dahil nakikita niya ang lahat ng iyon kay Trace. O siguro nga ay ganoon naman talaga ang galawan ng mga playboy – pare-preho ng diskarte sa pagpapapogi at pagpapa-impress sa kanilang mga pinopormahang babae.
Except sa aspeto nang kaguwapuhan ay tila mas mukhang disente at mukhang gentleman ang kilos at galaw ni Renzo. Kumabaga, kung playboy man ito, hindi lahat ng pagkatao nito ay inire-reveal nito sa mga nakakasama nito. A bit serious, though he was easy to laugh and smile. Hindi katulad ni Trace na napaka-playboy sa isang tingin pa lang. Lahat na lang yata ay nagugustuhan nito. Idagdag pa na lahat na lang ng babaeng mabalitaan nitong may gusto rito ay pinapansin nito. Katwiran nito, ayaw daw nitong magtampo ang biyaya ng Diyos sa kanya. Baka nga kahit poste o puno lagyan lang palda at make-up ay patusin na nito..
"Don't worry, Ella. Hinding-hindi kita dadalhin sa kulay pulang building na sinasabi mo o kahit sa mga madidilim na lugar. I don't do that kind of thing on first dates. Especially not with quality woman like you na mukhang pangseryosohan." Maginoong tugon ni Renzo. And there goes his innocently playboy charm working wonders.
Siguro nga lang ay kung hindi siya namulat sa pagiging playboy ni Trace ay baka na-fall na din siya sa pagiging swabe ng galawan nito ngayon.
"Thank you, pero hindi mo pa rin mabibilog ang ulo ko." Napapangiting pambabara lang ulit niya. And somehow, she's starting to warm up and feel comfortable being around him right now.
"Exactly my point. But you know, wala sa itsura mo ang pagiging tough and boyish attitude. You look so innocent. Not to mention very pretty." Patuloy na puri ni Renzo.
"Talaga?" kibit-balikat niyang sabi, trying to play it cool, but deep inside ay kinikilig din naman siya dahil sa mga komplimentong ibinibigay sa kaniya ng bata. After all, she's still a woman who appreciate sweet things despite her strong character and tough personality.
"Don't tell me you didn't know that." Umiling siya. Ngumiti naman ito. "A woman who never knew how beautiful she is. That's new. Wala bang nagsasabi sa iyo na maganda ka?"
"Meron. Mga magulang ko at mga kaibigan."
"How about those guys who asked you a date or those who court you?"
Saglit siyang napaisip sa sinabi nito, "Wala." Prenteng sagot niya dahil wala naman siayng maalala na nagtangkang manligaw sa kaniya o magyaya ng date. Kung meron man ay umaatras agad ang mga ito kapag namamalditahan niya.
BINABASA MO ANG
One That Got Away (Playboy Series #4)
Romance(Tragic Romance) Trace is a rich young businessman and a well-known playboy. At hindi niya iyon itatanggi, in fact, nagagawa pa nga niya pagsabayin ang mga babaeng nilalandi niya. And Ella is just another innocent victim of Trace's game. Dahil ang...