Chapter 6:That Jerk Guy
---
Nakapasok na sa kanya-kanyang room sila Jessica.Naririnig ko,na 'Mark'ang tawag kay Red Eye.
Mag-isa na lang ako ngayong aakyat papunta sa room ko,ang lamig.Medyo madilim na din,may ilaw naman pero dim lang, kaya medyo kinikilabutan ako.Lalo na kanina.
---
Pagkalabas namin sa misteryosong elevator na yon,agad na din kaming lumabas at tahimik na dumaan sa hallway.
Nalala ko yung ulong statwa,ang creepy.Habang naglalakad kami,di ko maiwasan na ilibot ang tingin ko,lalo na nang makita ko ang table kung saan nakapatong ang statwa.Wala na yung statue.
Nasan na 'yon?
Tumigil ako at pilit na hinanap ng tingin ko ang statwa.Tumigil din sila sa paglalakad at nilingon ako.
"Hey Elyza,are you alright?"tanong ni Keith "Mukhang may hinahanap ka"
"Nakita niyo ba yung statwang ulo ng isang lalaki?"
Nagtataka naman silang lahat na tumingin saakin "Huh?Walang statwang ulo ng lalaki dito eh"sagot ni Keith.
"Matagal na kami dito,walang kahit ano mang statwa na sinasabi mo"ani Ivan.
"Pero nakita ko kanina dito sa lamesang 'to yung bagay na 'yon"turo ko sa lamesa,kinakabahan ako.
"Baka guni-guni mo lang"sagot ni Red Eye,ang lalim ng boses niya.
Bumuntong hininga na lang ako at nagpatuloy sa paglalakad.
Imposible namang mawala na lang yun dito,kitang-kita ng dalawa kong mata.Nakita ko pa nga kung paano ako sinusundan ng tingin nun.Wag nilang sabihin na hindi nila nakita 'yun?Kasama ko sa oras na yun sila Jessica at Ivan.
Hanggang sa makabalik na kami,di ko parin maiwasan na isipin yon,baka di pa nga ako makatulog eh.Umakyat na kami sa 1st floor at agad na ding pumasok sa kanya nilang room si Red Eye at Keith,nagpa-alam muna si Keith bago pumasok.
Kami na lang tatlo nila Jessica at Ivan ang magkasama,paunti kami ng paunti.Pwede naman kasing nasa iisang floor lang kami,ewan ko!
"You look so pale"nag-aalang sabi ni Jessica na nasa kanan ko."Kanina ko pa napapansin"
"Ganito lang talaga ako,inaantok na rin kasi ako"pilit na ngiti lang ang sinagot ko,tumango-tango lang si Jessica.
Umakyat na kami sa 2nd floor at nagpaalam na sa isa't isa.Kapagod akyatin.
"See you tomorrow"pagpapa-alam ni Jessica.
Ngumiti lang ako at pumasok na sila sa room nila.Ako na lang mag-isa.
---
Unang hakbang ko sa hagdan,nagtindigan na ang mga balahibo ko.Mukha na siguro akong nawalan ng dugo ngayon,nanginginig ang mga kamay at tuhod ko na umakyat,sabayan pa ng dilim.The hell?
Habang umaakyat ako,ramdam ko na may nakasunod saakin.Binilisan ko ng konti ang pag-akyat ko,natatakot ako.
"7 steps remaining"sa isip ko.
Parang gusto kong tumakbo,parang may sariling utak ang mga paa ko at hindi parin ako makatakbo.
Lalo akong binalot ng kaba nang may narinig akong footstep sa di kalayuan.Agad akong kumaripas ng takbo papaakyat,natatakot ako huhu.
Kanina,nanginginig ako sa lamig pero ngayon nagsisimulang umagos ang pawis ko.
Pagkatapak ko sa harapan ng kwarto ko,di ko maiwasan na mapatingin sa may dulo kung saan nandon ang puting pinto,lalong dumilim sa parteng yon.
BINABASA MO ANG
The Tale of the Seven Crystals
FantasySabi nila nage-exist daw ang magic,pero para saakin isa na lang 'yong kwentong pambata,para pabilibin at pagkatuwaan ng mga ito. Hindi ko inaasahan ang isang bagay na 'to,na mismong matutuklasan ko at manggugulo sa tahimik kong buhay. Ito ay ang 'Ma...