CHAPTER 13

39 4 0
                                    

Chapter 13

ALWIZA'S POV

Gulat akong napatingin sa taong kaharap ko ngayon. Hindi ko alam pero kung anu-anong bagay ang pumasok sa isipan ko. At mula sa puso ko ay halos marinig ko na ang malakas na pagtibok nito.

B-bakit nandito si Panget?

Kumunot naman ang aking noo habang palipat-lipat ang paningin sa tatlong taong kaharap namin ngayon. Si Ate Zeirrah, Si Zealyn, at si Panget. Pero hindi ko maiwasang maguluhan.

M-may girlfriend na siya?!

Hindi ko alam pero bahagya akong nakaramdam ng kirot sa aking puso dahil sa katotohanang iyon.

Tsk! Anong pake ko kung may girlfriend na siya? At tsaka isa pa?! Wala naman talaga akong pakialam sa kaniya! Bakit?! Sino ba siya?! E siya lang naman 'yung pinakakaaway ko sa lahat! Tsh! Magsama sila!

Muling nagsalubong ang tingin namin ni Panget. Kitang-kita ko rin ang gulat sa mga mata niya na parang hindi ba makapaniwala sa nakikita.

"Oh! Do you know each other?" Ngingiti-ngiting tanong ni Ate Zeirrah na palipat-lipat ang tingin sa aming dalawa ni Panget.

Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa tanong na iyon ni Ate Zeirrah.

Napailing ako tsaka napahawak sa braso ni Ate Aiziel dahil sa takot at kaba na nararamdaman ko.

Nagsisisi talaga ako! Maling-mali ang desisyon kong pumayag ako sa gusto ni Ate! Dapat talaga hindi na ako pumunta dito.

"Ahmmm. No." Kalmadong sambit ni Panget na nakaalalay pa rin do'n sa girlfriend niya. "But actually, she's my schoolmate." Dagdag niya dahilan para mas kabahan ako dahil baka may masabi siya na kung anong hindi maganda.

Tsk! Manahimik ka na lang please! Kahit ngayon lang!

Binigyan ko naman siya ng nanlilisik na tingin na para bang ang ibig-sabihin ay tumigil na siya sa pagsasalita.

Napatigil naman na siya sa pagsasalita dahilan para makahinga ako ng maluwag.

Hays! Hindi ko alam kung ano ba ang aabutin ko sa gabing ito! Sana talaga matapos na 'to! Dahil hindi ko talaga kayang makasama dito si Panget!

"Lets go?" Basag ni Ate Aiziel sa katahimikan nang mapansin niyang wala nang nagsasalita sa amin.

"Lets goooo!" Napakasayang wika ni Ate Zeirrah na nauna sa amin sa paglalakad papasok sa Mall.

Habang naglalakad kami papunta kung saan ay hindi ko pa rin maiwasang mapatingin kay Panget! Hindi ko talaga alam ang mararamdaman ko ngayon! Para bang naghalo-halo! Kasi naiinis talaga ako sa kaniya eh! Basta! Hindi ko ma-explain, eh haha!

Dahil do'n at napatingin na lang ako kung saan-saan para naman mabawasan 'tong stress ko ngayon. Tumingin ako sa tiles na nilalakaran namin ngayon! Sa mga taong makakasalubong namin. Sa napakalaking ilaw sa taas at sa iba-iba pa.

"Ayusin mo ang kilos mo, Alwiza! Nakakinis ka!" Gulat akong napatingin kay Ate ng bigla niyang diinan ang pagkakahawak sa braso ko habang mariin ngunit mahina niyang sinasambit ang mga katagang iyon.

Binigyan ko naman siya ng nagtatakang tingin habang hawak-hawak niya pa rin ako sa braso.

Tsk! Ano bang problema niya?! Naglalakad lang naman ako dito, ah? Bahala siya!

Tinapunan ko na lang siya ng tingin tsaka muling napatingin kay Panget ngunit halos manlaki ang aking mga mata nang nakatingin rin siya sakin at ang nakakatakot pa do'n ay NAKANGITI SIYA!

I Hate You, But I Love You (season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon