"Bastarda!" o "Bastardo"
Iyan ang madalas na naririnig kong tawag sa'kin ng mapanghusgang lipunan
Oo isa lamang akong hamak na "BASTARDA/O"
Oo inaamin ko na isa ako sa mga batang ipinanganak na hindi legal ang pinagmulan.
Sa musmus kong kaisipan ay iyan na ang aking tanong
Kung ano nga ba ang ibig sabihin ng salitang "ANAK SA LABAS" dahil iyon ang naririnig ko sa lahat
Ngunit sa inosentang isipan ay hindi ko binigyang pansin ang katagang paulit-ulit na ibinabato sa'kin ng mga taong perpekto ang tingin sa sarili.
Bakit ko iintindihin ang bagay na hindi naman dapat intindihin.Nang ako'y na-Dalaga/Binata ay naririnig ko parin ang salitang "BASTARDA/O" "Anak ka lang sa labas dahil hindi naman ikinasal ang Ama't Ina mo"
Nasasaktan man sa katotohanan at sa mga panghuhusgang mula noon hanggang ngayon ay hindi mamatay-matay ay nanatili akong manhid sa lahat at laging pinapaalala sa sarili ang salitang"BEING A BASTARD DOESN'T DEFINE ME AS A PERSON"
Hindi ang pagiging BASTARDA o BASTARDO ang magiging sukatan ng aking buong pagkatao.Nang ako'y tuluyang lumaki at tuluyang naintindihan ang totoong kahulugan ng salitang "BASTARDA/O"
Totoo ngang nakakapanliit iyon ng pagkatao."Anak ako sa labas at hindi ako legal sa batas"
Pero, naniniwala akong anak ako ng diyos at biyaya ako sa aking mga magulang.Masasaktan ka sa katotohanan ngunit pipiliin mong huwag magpaapekto
Hindi doon nasusukat ang iyong pagkatao.
Hindi ito ang magiging dahilan upang sirain mo ang iyong buhay.Anak kaman sa labas, bastarda kaman o bastardo, legal kamang anak o hindi. Basta wala kang inaapakang tao at hindi ka masama ay hindi iyon magiging batayan sa pagiging IKAW.
Dahil sa naranasan ay madalas kong hiniling na sana hindi maging kapareho nang kapalaran ko ang kapalaran ng magiging mga anak ko.
Madalas kong hinihiling na sana, taliwas sa pinagdaanan ko ang pagdadaanan ng mga magiging anak ko.
Sana sa hinaharap ay magkaroon ng pamilyang buo ang aking magiging anak upang hindi sila matulad sa aking isang hamak lamang na "BASTARDA/O".Ngunit kahit ako'y isang "BASTARDA/O" minsan man ay hindi ko ikinahiya ang aking buong pagkatao
Hindi ko kasalanan kung ito man ang aking naging kapalaran
Hindi ko kasalanan kung naging anak man ako sa labas
Hindi karapatdapat sa'kin ang masasamang ibinabato ng lipunanPero alam mo ba kung ano ang pinakamasakit sa pagiging isang "BASTARDA/O"
Iyon ay ang mga salitang hindi nanggaling sa ibang tao, kundi galing mismo sa pamilya mo.
Masakit pero uulitin ko, hindi ka dapat magpaapekto kung ang pagkatao mo'y hindi naging perpekto
at lalong hindi din ito ang magiging dahilan upang sirain mo ang iyong sarili.Bagkus ay tumayo ka, taas noo mong sabihin sa buong mundo na hindi nagtatapos ang buhay mo bilang isa lamang "BASTARDA/O"
Ito ang gawin mong inspirasyon at gawin mong sandalan upang mas lalo mong sikapin na maging wais pagdating sa pag-ibig at sa pagbibigay ng iyong puso sa taong karapat-dapat upang makasama mong bubuo ng isang masayang pamilya.Minsan man ay hindi naging kasalanan ng anak kung bakit napabilang siya sa pagiging "ANAK SA LABAS"
Hindi naging kasalanan ng anak kung bakit siya naging "BASTARDA/O"
Dahil kung pwede lamang sigurong pumili ang tao kung sino ang nais niyang maging pamilya'y
Baka hindi na naimbento ang salitang "BROKEN FAMILY."written' by:
Luna 🥀