Pauwi na si Don Philip sa kanyang mansion galing sa agency na naghahanap sa mag-ina nya. at gaya parin ng dati wala paring malinaw na balita tungkol sa mag-ina nito, ng pagdating nila malapit sa gate nila ay may napansin syang isang babae na wari'y may hinihintay sa bahay nito, at nagulat si Don Philip ng mapagsino ito, na kesyo payat na to ay alam nya kung sino ito... at kilalang kilala ito ng puso nya... at dahil sa liwanag ng kanilang sasakyan ay agad itong tumayo at natumba....."CAROLINE!!!!" sigaw ni Don Philip sabay labas ng sasakyan at patakbong pinuntahan si Aling Carol.
"Caroline, mahal ko? huhuhu" iyak ni Don Philip kay Aling Carol at binuhat nya ito upang ipasok sa mansion at tinawag ang kanyang mayordoma ....
"Guada! Guada!" tawag ni Don Philip sa kanyang mayordoma, at agad namang itong lumapit kay Don Philip.
"Don Philip bakit po?" tanong ni Guada kay Don Philip, at nanlaki ang mata nya ng makita nya ang babaing karga karga ni Don Philip.
"Guada maghanda ka ng masarap na pagkain at sabaw na mainit para kay Caroline at tatawagan ko ang family doctor natin." utos ni Don Philip kay Guada na sumunod sa mga utos ni Don Philip at dinala na ni Don Philip si Aling Carol sa sariling silid nito.... at maya't maya'y nga'y dumating ang family doctor nila na si Dr. Ladisma, at ngayon ngay kausap na ni Don Philip ang kanilang Doctor.
"Doc, what's happen to her? is she's ok?" sunod sunod na tanong ng Don sa doctor nila.
"She's ok Don Philip, nalipasan lang sya ng gutom at parang deepress sya masyado kaya nawalan sya ng malay. don't worry Don Philip she will be ok in a minutes." saad ng doctor kay Don Philip, na sya namang pag-ungol ni Aling Carol...
"Mmmm... Steven! Steven lumaban ka! Steven anak lumaban ka huwag mo akong iiwan." wika ni Aling Carol habang tulog na kinabigla ni Don Philip...
"Anong nangyari sa anak ko?" piping tanong ni Don Philip sa sarili, at tumingin sa doctor.
"I think she's ok now, siguro kaya sya deepress coz of her son Don Philip, antayin nalang natin ang paggising nya. at kailangan nya ng pagkain para makabawi sya ng lakas" paliwanag pa ng doctor.
"Sige Doctor Ladisma, salamat." pagpapasalamat ni Don Philip sa Doctor, at umalis na ang doctor. at kusa namang nagbantay si Don Philip kay Aling Carol at...
"Caroline, anong nangyari sa anak natin?" kinakabahang tanong ni Don Philip kay Aling Carol na nakahiga sa kama nya na wala paring malay at maya't mayay gumalaw na ito at nagdilat ng mata at....
"Asan ako? ang anak ko? si Steven? kailangan ako ng..." sunod sunod na tanong ni Aling Carol napatigil lang ito ng mapagsino nito ang kaharap nya.
"Philip!? huhuhu Philip tulungan mo ako, tulungan mo ang anak ko, ang anak natin. huhuhuhu" iyak ni Aling Carol kay Don Philip na lumapit at niyakap si Aling Carol
"Caroline, shhhh everything will be ok now, just tell me kung nasaan ang anak natin?" mahinahong tanong ng Don Philip kay Aling Carol.
"Philip, Philip huhuhu nasa BULACAN GEN. HOSPITAL sya ngayon, malubha ang kalagayan nya Philip, kailangan ko ang tulong mo? kahit na magmakaawa ako sa asawa mo..... kay Claudia gagawin ko tulungan mo lang ang anak natin?" saad ni Aling Carol na kahit umiiyak parin ay naikwento nya lahat lahat kay Don Philip ang pinagdaanan ng anak nila at ngayon nga ay nasa emergency room ito sa BGHospital.
"Steven anak!" sambit ni Don Philip sabay kuyom ng mga palad nya at nagdial ng telepono si Don Philip at habang si Aling Carol naman ay kumain .....
"Perez pakihanda ang sasakyan pupunta tayo ngayon din sa Bulacan Gen. Hospital.. ngayon din." utos ni Don Philip sa driver nito at tamang tama namang natapos na si Aling Carol ang pagkain nya. at sila'y umalis na.