Mahal, sa iyong paglayo

264 0 0
                                    


'Di natin alam ang bukas
'Di natin alam kung paano magkakatagpo ulit ang ating landas
'Di natin alam kung kailan mauulit ang 'di mapigilang pangungulit ng pusong laging dumadaan sa mga pasulit ng panahon.

Pinagtagpo, pero pinaghihiwalay din. Pagkat 'di pa ito ang tamang oras para pag-krusin ang landas natin.
'Di ko sinasabing naging negatibo ang aking isip.

Pero sa bawat pagdaan ng segundo, minuto, oras, buwan at taon...

Ang salitang "TAYO" ay mas naging komplikado.
Ang "TAYO" ba ay magkakatotoo pa at magtatagal hanggang dulo?

Pero kahit ganito...
Sana alalahanin mong lagi na kahit saang sulok ka man ng mundo may taong nagpapahalaga sayo at nagmamahal ng totoo- at iyon ay "AKO".

Alam kong 'di "AKO" perpekto,
Tao lamang na maaaring magkamali sayo
Ngunit tao akong may puso na nakikita ang halaga mo dahil mahal kita.

Mahal sana sa iyong paglayo
'Di mo makalimutan na minsan may isang "AKO" na minsan kang pinasaya kahit madalas ay may tampuhan sa ating pagitan at minsan nadin kitang nasaktan sa mga bagay na hindi ko napapansin.
Sana lagi mong pakakatandaan na,

May "AKO" na nagmamahal sayo.
May "AKO" na handa kang hintayin sa muli mong pagbabalik sa aking piling.
May "AKO" na ang lahat ng bad side's mo'y tinanggap ka ng buo.
May "AKO" na laging nandito para sayo.

Hindi ako magpapaalam, dahil alam kong balang araw.
Magkikita't-magkikita pa tayong muli.

Sana huwag mo akong kalimutan, mahal saiyong paglayo.

written' by:
Hero Saramosing

edited by:
Alona Dee


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Spoken Poetry Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon