Veero's Pov
Hindi ako nakatulog, alas-8 na ng umaga ng bumalik ako sa bahay. Napakagulo ng kwarto ko at wala na rin ang mga kaklase ni Nica. Hindi ko na inayos na ang mga nakabalunbon ng kumot at mga unan.
Isang oras palang ata ang lumipas ng may tumunog na cellphone. Nakapikit nakinapa ko ito at napadilat nalang ako ng may mahawakan akong kamay. Hinatak niya sa'kin ang cellphone, dahan dahan kong sinilip ang kamay sa baba na nasa gilid ng aking kama. At doon ko nakita yung babae, yung kaibigan ni Nica.
"Pakibuksan nga yung Electric fan. Kainit." Sabi pa niya at natulog ulit sa makalat na sahig. Matapos kong buksan ay agad ko ng pinuntahan si Nica.
"Problema mo?"
"Ba't may tao pa sa kwarto ko, doon pa natutulog?"
"Haha, ngayon ka pa nahiya, lagi naman kayong magkatabi dati"
"Ha? Anong?"
"Anong katabi 'yan?" Pagsingit ni Avee na bigla nalang sumulpot.
"Wala pa kaming pagkain. Kaaga Avee"
"Hindi 'yon ang pinunta ko Veronica"
"Kunwari ka pa"
Natigilan sila sa pag-aaway ng lumabas sa kwarto ko si Yra.
" Sino 'yan?! Ha?" Agad na sinugod ni Avee si Yra at tinitigan niya ito.
"Ha!!!"
"Happy reunion sa inyo! Yra mauna na 'ko." Paalam ni nica at bumaba na nga.
"Kaingay mo!"
"Anong ginagawa mo dito?!"
"You don't care, A-bitch"
"Yradog!" A-bitch? Isa lang tumatawag niyan kay Avee . Shit, bat ngayon ko lang narealise. Ang hina ko talaga sa mukha.
"Yraselle?"
"Hey, Veero. Kilala mo pa pala ko"
"Sorry, 'di kita na mukhaan. 6 years na rin kasi"
"Nako, nagparetoke ka kasi, kaya 'di namukhaan"
"Aminin mo na, mas maganda lang talaga ako sayo."
"Tanga ka ba? Wala ka bang mata? Wala kang ganda."
"Asa. Dating gawi, Veero. Sino mas maganda?"
Ayan nanaman sila, sila yung aso't pusa. Grade 4 namin na meet si Yraselle. At close kaming tatlo, lagi lang talaga silang nagpapagalingan at nag-aaway ni Avee. Pero pag may ibang umaway sa kanila, patay yung umaaway panigurado. Lagi kaming magkakasamang natutulog, gumagawa ng assignment, at tumatakas sa klase. Kaso nung high school nabago ang lahat.
"Mas maganda ako"
"V/Veero!"
"Kain nalang tayo" Nag-ring ulit ang cellphone ni Yraselle, at umiikot pa ang mata ng sinagot niya ito.
"No."
"Ok."
"Please,"
Tiningnan lang ako Avee na parang nagtatanong kung sino 'yon at nagkibit-balikat lang ako, bumaba na kaming dalawa at naghanap ng mailuluto. Yumakap sa'kin si Avee mula sa likod.
"I hate you!" Rinig pa naming sigaw ni Yraselle at napatawa pa si Avee.
"Sino kaya kaaway no'n?"
"Boyfriend niya siguro...ewan"
"*Ehem* Matatanda na kayo para magyakapan at hindi naman kayo para magyakapan." Nakababa na pala siya. Kumalas sa pagkakayakap si Avee at inakbayan si Yraselle."Wala kang pakialam, Yradog" sabay headlock niya kay Yraselle. Gumanti naman yung isa at ako ay nagluto nalang.
BINABASA MO ANG
Kung naaalala mo pa ako, sana kalimutan mo na ako.
RomansaIsusulat ko ang istorya natin para humingi ng tawad sayo.