Humiga ako sa damuhan at tiningnan ang asul na kalangitan. May mga ibon akong natatanaw na lumilipad, ang mga puno ay sumasayaw sa ihip ng hangin. Pinikit ko ang mga mata ko at nilanghap ang sariwang hangin. I want to feel the wind blowing my hair.
Umupo ako at itinukod ang dalawang palad sa likod. Nakapikit parin ang mga mata ko at dinadama ang simoy ng hangin. Ngumiti ako nang nilipad ng hangin ang buhok ko. I open my eyes and look at the blue sky. Blue. Reminds me of someone. Sky. Kailan kaya kita makikita ulit? I haven't seen you since last week. Would you come? Medyo nakakabingi ang katahimikan kaya kumanta ako.
"You don't have to be a hero to save the world. It doesn't make you a narcissist to love yourself. It fee-"
Napatigil ako sa pagkanta nang makarinig ng yabag ng sapatos sa likuran. Lumingon ako at ngumiti nang makita yung taong hinahanap hanap ko. Parang binanggit ko lang yung pangalan mo kanina ah andito kana agad. Umupo siya sa harap ko. Ngayon ko lang napansin ang hawak hawak niyang isang tangkay ng pulang rosas. Mas lalong lumawak ang ngiti ko. Alam mo talaga kung anong paborito ko.
I studied his face at napansin kong tinutubuan na siya ng bigote sa chin niya, I can see dark bags under his eyes. Hindi ka ata natulog ng maayos Sky. Marami ka bang problema? We can talk it out."Kamusta ka na Sky?" Tanong ko sa kaniya.
Hindi siya sumagot kaya napabuntong hininga ako. Alam ko namang hindi ka okay eh. Halata sa mukha mo na stress ka."Is there something you want to talk about?" Tanong ko ulit, hoping that this time he'll answer my question. "May problema ba?"
"Jai. Mom was diagnosed the other day." I can hear his voice breaking and it breaks my heart. Nanginginig rin ang mga kamay niya.
"M-may c-cancer siya, Jai. Stage f-four. Y-yun ang sabi ng d-doctor." Tumulo ang mga luha sa mga mata niya. Parang gripo na tuloy tuloy ang pag-agos. Shock was an understatement. Si Tita Mira, may cancer siya.
Umiyak ng umiyak si Sky sa harap ko. Hindi ko na din napigilan at umiyak narin. I covered my mouth using my hands. It can't be. God, bakit si Tita Mira pa? Ang bait bait ni Tita, she deserves a happy life together with her family. Minsan talaga ang unfair ng mundo. Kung sino pa yung mabait, siya pa yung mamamatay.
Hinawakan ko ang kamay ni Sky at malungkot na nginitian siya. Alam ko. Alam kong hindi lang yun ang problema mo.
"Unti-unting bumabagsak ang kompanya namin Jai. I don't know know what to do anymore. I want to stay on my Mom's side but the company needs me at hindi ko kayang pabayaan ang kompanya." Pagpatuloy nito. Mas lalo kong hinigpitan ang hawak ko sa kamay niya. Ganyan nga Sky. Let it out. Let it all out. Makikinig ako, Sky. I'm willing to lend my ears. Umiling-iling ito at malungkot na ngumiti.
"Sana. Sana andito ka Jai. Ikaw pa naman ang sandalan ko, you're my daily dose of positivity. And right now I'm being pessimist." Kinuha niya ang rosas at inilapag ito sa harap ko. Sa harap ng puntod ko.
Mas lalo akong umiyak dahil sa sinabi niya. Andito lang naman ako Sky eh. Hindi ako umalis. I'm always here for you. I cupped his face and stare into his eyes. Gwapo parin walang pinagbago kahit tinutubuan na ng konting bigote.
Hinalikan ko ang noo niya at tinapos ang naudlot kong pagkanta kanina.
"It feels like nothing is easy, it'll never be but that's alright, let it out, talk to me."