Saudade💜

26 2 9
                                    

Xena Collins Pov's

"What brings you here?" Tanong ko sa babaeng nakaupo sa harap ko ngayon. Nandito ako sa office nag tatrabaho of course. Pero mukhang na istorbo ako ng isang magandang dilag. "Meron sana akong favor sayo." Napatingin naman ako sakaniya. I can't help but to smile, she's still the most beautiful women that I've ever met in my entire life. Still? Of course she's my ex-girlfriend. I missed her. "Ano yon?" I asked.

"Here." Napatingi ako sa table ko kung saan may pinatong siyang envelope "What is this?"

"See for yourself." Naka ngising saad nito. Hindi parin talaga siya nag babago sa bitchy attitude niya! Kinuha ko yung envelope at tiningnan ko yung nasa loob. Oh?

"So ikakasal ka na pala! Congratulations! Akala ko sa babae ka ikakasal!" Pinilit kong siglahan yung boses ko. Tiningnan ko ulit yung invitation na hawak ko sakaniya ka pa talaga ikakasal tsk.

"Pwede bang ikaw yung kumanta sa wedding namin?" Para bang nag dadalawang isip siya sa tono ng pananalita niya. Gusto niya talaga to no? Gustong gusto niyang nasasaktan ako. Napangisi naman ako.

"Sorry, pass muna ako dyan. Busy ako ehh." I hate this.

"Please Xena, gusto ka din makita ni mom and dad! Even your cousin." Saad nito. Hindi ko mapigilang matawa.

Her mom and dad knows about us noong kami pa. Actually sinusuportahan talaga kami ng mom and dad niya, tapos malalaman mo pala na hindi pala talaga ikaw yung gusto ng anak nila.

"Come on! Please ngayon na lang to." Pag pupumilit niya, she's always like this. Napa buntong hininga na lang ako.

"Fine."

"Talaga?! Yes! Napapayag din kita." Tuwang tuwa na saad nito na para bang nanalo sa lotto. Loud as always my dear jing, bigla naman itong lumapit sakin at niyakap ako ng mahigpit "Sorry." Bulong nito. I hugged her back at ngumiti na lang.

I know this is too much pero wala ehh kung saan siya masaya doon ako, kahit pa gaano kasakit sa side ko.

WEDDING DAY

"Iha mabuti naman at nakarating ka. Ang ganda mo parin." Napangiti naman ako sa sinabi ni tita. "Syempre naman Tita Shane! Kailangan maganda tayo ngayon." Natatawa naman siya sa sinabi ko oh well totoo naman yon.

"Nga po pala, kamusta naman kayo ni tito Ethan?" Ang cute kasi ng relationship nila, para silang mga teenagers. Nakaka inggit din kayaaa!

"Hay nako iha, sobrang kulit ng tito mo." Nakasimangot naman na sabi ni tita dahilan para matawa ako

"May sinasabi ka Hon?"

Pareho naman kaming nagulat dahil sa biglaang pag sulpot ni tito out of nowhere.

"Hi po tito! Gwapings ahh." Bati ko naman kay tito. "Syempre, baka mamaya makahanap ng bago si Hon ehh gusto ko akin lang siya maiinlove." Mayabang na saad ni tito ay kinindatan pa si tita! See! Nakakabitter talaga.

"Oh siya? Okay lang ba talaga sayo na pumunta dito Xena?" Tanong ni tita na may halong pag aalala. Marahan naman akong tumango at ngumiti ng malungkot.

"Of course tita, this is the last time that I will sing for your daughter." Ngumiti naman sila tito at tita saken. "I'm so proud of you Xena." Napangiti naman ako sa sinabi ni tito.

Dalawang taon na ang nakalipas pero siya parin talaga. I'm waiting for this day to come, hinihiling ko na sana ako yung kasama niya but I guess she's happy now. After namin mag kulitan nila tita and tito pumunta na ko sa pwesto ko dahil mag sisimula na ang kasal.

And there she is! She's sooo beautiful in those white gown that she's wearing right now! She looked and smiled at me. Ngumiti naman ako pabalik at nag thumbs up.

Huminga ako ng malalim Come on Xena! Don't cry! You can do it.

Dahan dahan kong pinlay yung piano at nag simulang kumanta.

'Born on the wrong side of the ocean
With all the tides against you~
You never thought you'd be
Much good for anyone
But that's so far from the truth~

'I know there's a pain in your heart
And you're covered in scars
Wish you could see me what I do~

Ramdam ko ang pag init ng mga mata ko, kinakantahan ko ngayon ang pinaka mamahal kong babae. Tumingin ako sakaniya, kitang kita ko yung kislap ng kanyang mga mata na hindi ko nakikita sa tuwing kami ay mag kasama. Now I know na totoong happiness yung nararamdaman niya ngayon, hindi na siya napipilitan.

'Cause baby, everything you are
Is everything I need, you're everything to me~
Is who you're meant to be
Cause you were meant for me
And you're everything I need~'

Huminto na ko, eto ako pinapanood yung paborito kong tao na masaya sa iba, agad kong pinunasan yung luhang tumulo saaking mga mata. Ang lakas ng loob ko no? Eto lang yung alam kong paraan para magising ako sa kototohanan na pag mamay-ari na siya ng iba.

Kahit anong gawin mo, kahit pa ikaw na yung pinaka matalino sa buong mundo. Kapag hindi ka mahal ng taong mahal mo, hinding hindi ka pipiliin niyan.

Kahit gaano pa karaming pangako yung sinabi niyo sa isa't isa, matutupad yan. Sa iba nga lang.

"You may now kiss the bride."

Nag palakpakan lahat ng mga tao, ako eto para bang slow motion lahat ng nakikita ko, unti unting nasisira yung pagkatao pero masaya ako dahil nakikita kong masaya yung taong mahal ko. Maya maya pa ay tumayo na ko at nag babalak na umalis.

"Xena!" Agad naman akong napahinto nang marinig ko ang isang boses ng lalaki, napangisi naman ako.

"Saan ka pupunta Couz? Hinahanap ka nila tita!" Saad ng pinsan kong lalaki, lumingon naman ako at kasama niya pala yung dating pag mamay-ari ko.

"Marami pa kong gagawin. Couz! Ingatan mo yang katabi mo, wag na wag kong sasaktan yan!" Nakangiting wika ko sa pinsan ko. Dumako naman yung paningin ko kay Jing.

"Hello! Welcome to our family Jing Collins!" Nakangiting bati ko sakaniya na para bang walang pananakit na naganap!

Hindi ko na sila hinintay na sumagot at agad na kong umalis, nang makarating ako sa koste ko ay hindi ko na napigilan lahat ng aking nararamdaman.

Tila kasabay ng pag buhos ng malakas na ulan ang pag patak ng aking mga luha para ilabas lahat ng sakit na nadarama.

Never invest everything to an unsure love, trust me sisirain ka lang nito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 01, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

THE LOVE THAT REMAINS (Short story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon