Care
Angela's POV
Kumunot pa lalo ang noo ko dahil sa sinabi niya. Kill before you get killed. Hahayaan niyang pumatay ang mga estudyante bago pa sila ang patayin? unbelievable.
What is he saying? nababaliw na ba siya? I can protest but that means I'll be suspicious. Pero naka patay na ako.
"Hahayaan mong pumatay ang mga estudyante?" malamig kong tanong. I can't help it.
Lahat ng atensyon napunta sa akin. I hate attentions! tumingin rin sa akin si Mr Parker.
"Yes Ms Park, mag papatayan sila para mabuhay." sagot niya at ngumisi. Kumunot ang noo ko. "Why? are you against that?" kumunot rin ang noo niya at tinitigan ako.
Baliw na talaga ang matandang ito.
"No." malamig at tipid na sabi ko.
Tumango siya at tumingin na naman sa akin ng maka hulugan bago nakipag kwentuhan na sa mga katabi niya. Tss. Tumingin ako kay Dom na may mga kausap na rin. Umirap ako at kinalabit siya.
Lumingon naman siya sa akin ng nag tataka.
"Uuwi na ako." malamig na sabi ko sakanya at tumayo na. Tumayo rin siya at nag paalam sa mga kausap niya. Tumingin ako sakanila at tumango. Tumango din sila sa akin at nginitian ako. Ngumiti ako ng tipid at agad tinanggal.
Nag lakad na kami palabas, habang nag lalakad ay nag salita na ako.
"Sino ang mga lalaking sinasabi mo?" malamig na sabi ko habang nag lalakad kami. Naramdaman kong natigilan siya saglit bago bumalik sa ulirat.
"Nandoon sa taas."
"Saan ang taas dito?" malamig na tanong ko at tumingin sa taas. Wala naman akong nakikitang hagdan o ano.
Tumawa siya ng mahina. "Hindi diyan."
Pinukol ko siya ng masamang tingin. "Nasaan ba?" malamig at medyo iritado ko nang sinabi.
"I miss that" mahina niyang sabi na hindi ko narinig.
"Huh?"
"Wala ang sabi ko diretso pa." sabi niya habang naglalakad pa rin kami.
Ok.
"Pupunta ako sa taas na sinasabi mo." malamig na sabi ko habang ang tingin ay nasa daan.
Naramdaman kong tumango lang siya. Nang makarating kami sa diretso na sinasabi niya ay tumingin na ako sakanya. What now?
"Tara." sabi niya at hinila ang kamay ko papunta sa hagdan na nakita ko sa may gilid. I felt a familiar feeling. Again! why is he holding my hand?
Tumaas kami sa hagdan. Syempre.
Kumunot ang noo ko sa nakita ko, what are they doing?
May bangkay doon na pinag eeksmenturuhan nila. Yung isa kumukuha ng dugo sa bangkay. Yung isa naman binabalatan ang kamay nung malamig na bangkay. What the fuck? anong gagawin nila dyan?
Naka ngiwing tumingin ako kay Dom.
"Nasaan yung lalaki?" malamig na sabi ko."Nandoon." turo niya sa likuran ko. Lumingon ako doon at may nakitang kwarto. Lumapit ako doon at walang sabing binuksan. Pumasok ako at may nakita akong tatlong lalaki. Yung isa nasa sofa. Yung dalawa nanonood ng T.V.
Tinuro sa akin ni Dom yung naka higa sa sofa. Nag dilim ang paningin ko. Mabilis akong nag lakad papunta sakanya at agad siyang kinwelyuhan. Tinayo ko siya sa pag kaka higa niya.
YOU ARE READING
Pillar Academy
Mystery / Thriller-Completed- Are you ready to hold the knife, in order to live? For you to be alive, the only choice is to be one of them. Book cover by @josevfthegreat thank you!