KBYGK
Angela's POV
"Huy gising na." naramdaman kong may yumuyugyog sa balikat ko.
"Hmm"
"Gising na sabi! lunch na. Ang tagal mo namalagi dito." napa dilat ako ng mga mata sa sinabi niya. Bumangon ako at saka tumayo. Ilang oras din akong natulog.
Uminat ako ng maka tayo saka ako tumingin sakanya.
"Saan ang banyo?" inaantok na sabi ko. Tinuro niya sa akin ang isang pinto dito. Ah yun pala ang cr. Pumunta na ako doon at nag hilamos, pag katapos ay lumabas na.
Nag bow ako sakanya sign na aalis na ako. Tumango lang siya at ngumiti sa akin. Tipid ko siyang nginitian at lumabas na.
Nag lakad na ako papunta sa classroom ng makita ko sila Ericka na kumakaway sa akin. Tinignan ko lang sila.
Tumakbo silang tatlo palapit sa akin.
"Huy! saan ka ba galing?" tanong ni Ericka.
"Naka tulog ako doon." malamig na sabi ko.
"Mukha nga." sabat ni Shawn at tumingin sa mga mata kong kagigising lang.
"Hindi ka man lang ginutom?" tanong niya. Umiling ako.
"Gutom na ako."
"Edi tara na sa cafeteria lunch na." sabi ni Cedric kaya nag lakad na kami patungo doon. Nang makarating ay umupo agad ako sa bakante at yumuko. Medyo inaantok pa ako.
"Ayos ka lang?" tanong ni Shawn ng makitang yumuko ako. Tumango lang ako sakanya.
"Anong gusto mo?" tanong niya pa.
"Kanin tsaka... manok." inaantok kong sabi. Narinig ko siyang tumawa ng mahina kaya inangat ko ang tingin ko.
Kumuha ako ng pera sa bulsa ko at binigay sakanya. "Tara na Mae." sabi niya.
"Stop calling me Mae!" si Ericka. Tumawa lang si Shawn sa sinabi niya. Tumayo na siya at nag lakad na papunta sa counter ng biglang,
"Hey! Demon!" sigaw ni Ericka.
Napa hinto si Shawn sa pag lalakad at lumingon sa amin. Naging malamig ang tingin ni Shawn kay Ericka na ikinataka ko.
"What did you just say?" malamig na sabi niya. Tumingin ako kay Ericka na nabigla. Hindi niya siguro inasahan.
"What?" malamig na tanong niya.
Tahimik lang si Ericka. Nag patuloy sa pag lalakad si Shawn at naka punta na sa counter.
"Ayaw niya ng tinatawag siyang Demon." mahinang sinabi ni Ericka. Nag katinginan kami ni Cedric.
"Bakit?" si Cedric.
"Kasi naalala niya ang pamilya niya." mahina pa ring sabi niya.
Ah.
Ilang sandali pa ay bumalik na si Shawn. Inaantok pa rin ako pero kailangan kong kumain.
Tahimik si Shawn. Ganun din si Ericka. Nakakapanibago. Kumain nalang ako at hindi na sila inintindi.
Naramdaman kong nag vibrate ang cellphone ko kaya kinuha ko ito. May text.
From: Dom
Bukas. KBYGK. May nakuha kana right?
Binasa ko lang yun ng biglang may nag text ulit.
YOU ARE READING
Pillar Academy
Mystery / Thriller-Completed- Are you ready to hold the knife, in order to live? For you to be alive, the only choice is to be one of them. Book cover by @josevfthegreat thank you!