Zaya's POV
Boung araw akong nag kulong sa kwarto. Panay katok nila pero di nila mabuksan ang pinto dahil nasa akin ang susi. I cried whole day. At nakatunganga lang. Panay isip ko sa mga nagawa kong mali. Mga nagawa ko sa kanila. At kung bakit nag sisi si Mamay na ipinanganak ako.
Sobrang sakit lang kasi magsalita ni Mamay....di man lang niya inisip kong anong maramdaman ko sa mga sinabi niya. Lahat nalang ng mga feedback niya sa akin puro masama. Ni kahit isang beses di ko narinig sa kanya na proud siya sa akin. Di ko rin kasi alam kong bat ang bobo at ang sama kong anak. Sobrang sakit lang kasi na pagsasabihan ka ng ganon ng ina mo. Sila ang nagbuntis sa atin pero pagsisihan lang niya? Anong klaseng ina siya? Bat niya ako sinisi eh sila naman ang gumawa sa akin eh. Wala naman akong ka alam-alam kong bakit ako nabuo. At sa pagkabuo ko ay naghiwalay sila.
Di ko rin maiwasan na maniwala sa kapitbahay namin. Na anak ako sa labas. Pero mas maniniwala parin ako pag si Mamay ang magsasabi sa akin. Malaki ang tiwala ko kay Mamay. Pag totoo man ang sinabi ng mga kapitbahay namin. Di ko alam kong anong gagawin ko. Pero mas nangingibabaw parin sa akin na hindi iyon totoo.
Oo iba ako kina Kuya Zian at Ate Zenaya. Sa apilyedo palang nila magkaiba kami. Ang kulay ng aking balat ay mapulta. Samantalang kila kuya at ate ay sakto lang. Ang tangos ng ilong ko at kila Ate ay magkaiba rin ang buhok, ang kilay, ang labi. At ang magkaparehas lang namin ay mata. Sabi rin kasi ni Mamay na sa angkan raw nila ako namana kaya kaiba ako sa kanila. Gusto kong tanungin kong totoo ba ang sinabi niya pero di ko magawa dahil alam kong nagsasabi ng totoo si Mamay. Pero sana.....sana nga nag sasabi siya ng totoo.....dahil pag nalaman kong nagsisinungalung siya baka ikakamatay ko iyon.
Nakahiga lang ako sa kama ngayon at walang balak na kumilos. Ni facebook at tayo ay di ko magawa. Wala akong lakas para doon. Dahil kagabi pa akong walang kain. At gabi na rin ngayon. Wala na ring laway na lumalabas sa bibig ko dahil di ako nakainom ng tubig.
Ipinikit ko nalang ang mata ko at may luhang umagos sa mata ko. Sobrang tahimik ng paligid at dilim lang ang aking nakita. Nang biglang may kumalabog. At niyugyog ako. Ibinuka ko ang mata ko at nakita ko si Kuya na galit na galit.
"Magpapakamatay ka ba Zaya!" galit niyang sigaw at pinatid ang upoan sa gilid ng kama ko.
Pinabangon niya ako at pinainom ng tubig. Naubos ko ang isang baso ng tubig.
"Punan niyo to! Kayo ang may kasalanan nito!" sigaw niya kila Mamay at Ate na nasa likod niya.
Nanginig na kinuha ni Ate ang baso at lumabas para kumuha ulit.
"Kumain ka" mahinahon niyang sabi at sinuboan ako.
"Anak Zaya patawarin mo ako" umiyak na sabi ni Mamay at umpo sa gilid ng kama ko.
"May lumabas na mo kayo. Papalakasin ko mo na itong si Zaya" giit ni Kuya sa kanya.
Nakatitig lang ako kay Mamay habang pagod na ngumuya.
"May please!" sigaw ni Kuya.
Napatalon naman si Mamay at lumabas ng kwarto. At pumasok si Ate na may dalang tubig.
"Ikaw, lumabas ka rin" at lumabas na rin si Ate.
Natapos ang araw na iyon. Ay bumalik na ang sigla ko. Dahil pinakain ako ni Kuya. Wala kasi silang paki. Akala nila Mamay na lalabas lang ako para makakain pero nagkamali sila. Kung di dahil kay Kuya baka patay na ako dahil gutom at uhaw. Kaya panay pangaral ni Kuya sa akin. Na wag na wag mag pa gutom.
"Zaya, kung ayaw mong lumabas. Ako ang maghahatid sayo ng pagkain dito" sabi niya habang nagliligpit ng pinagkainan ko."naintindihan mo ba ako?"
YOU ARE READING
Your Childish Girlfriend
Teen FictionA girl named Zaya Rosevelle Delfino, a very childish girl who fell inlove with Kim Betelgeus Mirafuentes. It takes a lot of time before Kim notice her. And when everything is fine, there is a big problem came into her life. And it changed her whole...