Lola Reve's POV
Habang naglalakad ako sa syudad kanina nung namili ako ay may nararamdaman na naman akong kakaiba. Feeling ko may masama na namang mangyayari.
Nung huli ko kasi 'tong naramdaman, sunud-sunod ang mga hindi inaasahang pangyayari.Katulad na lang sa nangyari rito sa syudad. Isang alien attack na hindi lang isa but twice na nangyari.
Napatingin naman ako sa nagtataasang gusali mula rito sa napakalaking bintana na gawa sa glass. Nandito na kasi ako ngayon sa condo unit namin ng apo ko.
Sa tingin ko sa ngayon, kumikilos na ang mga mythmen. Iilan na lang kasi kaming natitira kaya dapat na mag-ingat.
Maraming banta ang nag-aaligid sa paligid. Maliban din sa aming mga mythmen ay marami pang ibang nilalang na may kakaibang kapangyarihan na dapat hindi pagkampantihan.
Ah!
Matawagan nga si Arc.
Kinuha ko ang phone ko at tinawagan nga ang aking apo.
At mabuting sinagot niya ito.
"Oh la, ano po ang nangyari? May masasa bang nangyari? Sabihin niyo po..."
"Ah... Wala naman apo. Kinukumusta lang kita. Parang may nararamdaman na naman kasi akong kakaiba. Nakasisiguro akong may malaking magaganap ngayong araw, kaya mag-iingat ka apo..."
"Sige po la, mas magiging maingat po ako..."
"Sige apo, bantayan mo ang iyong sarili lalung-lalo na ang 'yong mga kaibigan... Paalam..."
"Bye po la. Love you.."
"Love you rin apo..." at pinatay ko nga ang telepono.
Ano kaya ang nararamdaman kong ito? Nakababahala.
Sinuwipe ko pa ang screen ng phone para makita ang hinahanap kong pangalan.
Matawagan nga si Thumpyr.
****************
Arc's POV
Nakababahala naman ang mga sinabi ni lola. Kaya dapat maging maingat ako at mas maging alerto.
By the way, nandito na ako ngayon sa basketball court ng school na sakto namang may ginaganap na try outs at maraming tao ang nanonood.
Hmmm. May naisip ako.
Dumiretso ako at nanood muna.
"We need one more.... Wala na ba?" sigaw ng coach.
And that is my call.
"Here..." I responded at itinaas ang aking kamay. "I want to try..." sabi ko at bigla na lang ipinasa ng isang lalaking nakasuot ng black jersey ang bola.
BINABASA MO ANG
THE MYTHMEN REBORN TWO: NEW REBORNERS (CSU SERIES #9)
Ciencia FicciónSi Arc na isang Mythmen kasama ang kanyang mga kaibigan ay magkakaroon ng isang kakaibang misyon at may mga bagong dadagdag sa kanilang team. Paano kaya ito makatutulong sa kanila? Magiging maganda kaya ang kalalabasan nito? CSU SERIES #9 Sequel/S...