Ang layo ng nakaraan
Hindi na dapat binabalikan
Masalimuot man,magpasalamat ka na lang
Salamat sa karanasan
Salamat sa sakit
Salamat sa saya
'Salamat sa lahat'
Tapos na ang istoryang binabasa ko
Sinara ko na ang libro.Kakatapos ko lang magbasa ng ng isang akda.Sa imbes na sabayan ko ang ibang taong kasama ko sa pila sa pagtugtog ng kan'ya kan'yang gitara,mas pinili ko na lamang magbasa ng libro.Sobrang ingay na nga,dadagdagan ko pa.Masarap sa tenga ang himig ng gitara pero kawawa naman ang ibang tao.Baka hindi nila magustohan.
Well I am Hyacinth Calista Cohen.Cal for short.Isang dyosang gitarista.Nasa isang organisasyon ako ngayon kung saan maga-audition ako para sa isang banda.Pangarap ko 'yun eh.Ibahagi sa lahat ang halaga ng musika.Sa sinabi ko kanina na ayaw ko munang tumugtog sa pila ay dahil gusto kong maging espesyal.Mukhang irita at stressed sa trabaho ang ibang tao rito.Hindi ko pinipilit ang gusto ko sa mga ayaw makinig charot sadyang ayoko lang talaga.Sabi nila,pagdating sa passion mo,hinding hindi ka tatamarin o magsasawa.Madaming nagkakamali d'yan,ang iba tumitigil dahil wala nang inspirasyon.Nakita ko pa ang pagtakip ng isang babae sa kaniyang tenga dahil sa sabay sabay na tunog ng gitara.
Hindi naman lahat tayo at mahilig sa musika.Ang iba pa nga at kinamumuhian ito.
"Number 23!Miss Cohen!Ikaw na ang sunod!" sabi ng organizer.Mukhang ang isang 'to at mainit rin ang ulo.
"Hey miss calm down.Ang sakit ho sa tenga ng sigaw nyo." sambit ko habang ngumingiti ng peke.Tinaasan nya nalang ako ng kilay.Aba di man lang tinablan ng ngiti ko.Di ko na lang sya pinansin pa at pumasok na ako sa studio.
May iba't ibang klase ng gitara ang bumungad akin.Alam nyo na yon,nakakatamad mag describe.
Pwedeng gamitin ang mga kagamitan rito at pwede rin namang gamitin mo ang iyong sariling gitara.Electric guitar ang akin.Sa harap ko ay ang tatlong judges.Dalawang lalaki at isang babae.Nakita ko pa ang pagkagulat nung isang lalaki.
Nginitian ko sila gamit ang mapuputi kong ngipin at mamula-mulang labi.Hindi ako naglalagay ng kolorete sa mukha.I prefer natural beauty.Kaya sa mata ng iba,mukha akong inosente.Nakasuot lamang ako ng Gray V-neck,black leather jacke,black leather din ang pants ko at naka boots ako.Samantalang ang buhok ko naman ay naka half braid ang gilid.May ashgray na highlights ang buhok ko.Base sa observation ko,ako ang pinakamagandang rakista rito.
Inayos ko na ang gitara ko saka ko iniharap ang maayos kong mukha sa judges,
"Hi .What's your name?"Tanong nung hot guy
"I'm Hyacinth Calista Cohen.19 years old."
"May we know the reason why you joined this audition?" Tanong nung babae
"Just a simple reason,i want to showcase my talent and I want people to appreciate music."
"Anong tutogtugin mo?" tanong nung isang lalaki
"If you can't hang po" sinenyasan naman nila ako na tumutog na ko.
Pumikit muna ako
This is for you two
Dinamdam ko ang pagtugtog hangang sa matapos ko ito.
Narinig ko ang palakpakan nilang tatlo.Well ano pa bang aasahan ko?Ang magagaling ay dapat pinapalakpakan.
YOU ARE READING
Past in the Band
Fiksi UmumThere's the only one thing she can't do.....accepting it.